I want to live normally but I can’t. In this extraordinary world, living normally is not possible. Death is inevitable and the only way to survive is to become strong.
***
"Ate Rielle!"
"Oh. Sarah."
Napatigil siya sa pagtakbo at huminto sa harapan ko. Napangiti naman ako dahil hindi pa siya makapagsalita sa sobrang pagod. Bakit ba kasi siya tumatakbo? This eight-year old kid is really energetic.
"Pinapatawag ka ng parents mo." Nawala bigla yung ngiti ko nung narinig ko yun. Tsk. Hindi talaga sila titigil.
"Sarah," tumayo agad ako at nginitian ko ulit siya. "After nito, pipili na tayo ng weapon mo, okay?"
"Whoa! Talaga? Yehey!"
Naglakad ako sa hallway at lahat ng nakakasalubong ko ay nagbobow sa akin. Hinayaan ko na lang sila at patuloy na naglakad. I really don’t like it when they do that.
Pabigat nang pabigat ang mga hakbang ko habang lumalapit ako sa room na yun. I don’t want to see them right now, but I really have no choice.
Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok at pumasok.
“You’re late,” sabi agad ni Dad at nanigas ako sa intensity ng titig niya sa akin. What a great pressure.
“Sit,” sabi naman ni Mom at saka niya hinagis sa direksyon ko ang apat na cards. I caught them using the spaces between my fingers. Ouch. Kahit light lang yung pagkakabato niya, ang sakit pa rin!
Napatingin naman agad ako kay Rin na nakaupo sa harapan nina Mom and Dad. Umupo na lang rin ako sa tabi niya, and as usual, hindi na naman niya ako kinakausap.
“Alam kong alam mo na kung bakit ka namin pinatawag dito.” Napayuko ako nung sinabi yun ni Dad. Bakit kasi kailangan ko pang gawin yun? Bakit ako pa?
Nakaramdam agad ako ng kirot sa kaliwang pisngi ko at pinigilan ko ang pagreact. She’s really fast when it comes to attacking. Nasugatan agad ako sa pisngi dahil sa card na pinalipad niya papunta sa akin.
“I can still read your mind. Fix that. You must close it well.”
“Y-yes, Mom.”
Kahit nakasarado na ang isip ko, mas lalo ko pang pinigilan yung pagflow ng thoughts papunta sa kanila.
“Here are the requirements,” sabay lapag ni Dad ng mga papeles sa table. “You’ll go to that damn school to be a spy, and you have to find that book.”
Pagkasabi nun ni Dad, nakita ko kaagad na natense si Rin. Tsk. Bakit pati siya pinatawag dito kung ito lang ang sasabihin nila? They are really heartless.
“Rin wants to do it but she’s still too young...” Napatingin ulit ako kay Rin at mas lalo pa siyang yumuko dahil sa sinabi ni Mom. She’s clenching her hands tightly to control her emotions. Ni hindi man lang nila naisip yung mararamdaman niya. “...and she doesn’t have the skills—”
“ENOUGH! I’LL DO IT SO SHUT YOUR MOUTH.” Tinignan ko siya nang masama pati na rin si Dad. Padabog kong kinuha yung papeles sa harapan ko at hinawakan ko ang braso ni Rin.
“Let’s go,” saka ko siya hinatak palabas sa kwartong yun.
Pagkalabas na pagkalabas namin, kumalas agad siya and this time, tumingin siya nang masama sa akin...pero umiiyak siya.
“R-rin...”
“Lagi na lang ikaw. I…I…hate you…” saka siya tumakbo palayo sa akin.
Dahil may mga Shinigami sa paligid, tinatagan ko muna ang loob ko at naglakad pabalik sa kwarto ko. Pero pagdating ko doon, nandun pa si Sarah.
“Ah, ate Rielle—”
“Sarah, bukas na lang tayo ulit mag-usap. Please, iwan mo muna akong mag-isa.” Nakita ko yung gulat na expression niya dahil sa sinabi ko.
“O-okay po.”
Pagkalabas na pagkalabas niya, dun na rin nagsimulang tumulo yung luha ko. Hinagis ko yung mga papeles na hawak ko at dumapa na lang ako sa kama ko.
I am a Shinigami and I am the daughter of the current leader. Sabi nila, siguradong ako na raw ang susunod na leader kapag ready na ako. Laging ako ang tinitignan nila dahil ako ang panganay at dahil sa unique trait at sixth sense ko. Ni hindi man lang nila naisip na may isa pa silang anak.
Rin is really trying her best to impress our parents pero konting attention lang ang binibigay nila sa kanya. Alam ko rin na nagseselos na siya sa akin dahil sa nangyayari kaya simula nung mag-six siya, hindi na niya ako masyadong kinakausap. Ngayong twelve na siya, mas lalong lumala ang relasyon namin bilang magkapatid.
“I hate you.”
You hate me, huh.
I know. I hate myself, too. I can’t protect you as an older sister. Mas lalo lang lumayo ang loob mo sa akin. I guess mas gusto mong mawala na lang ako sa paligid mo.
Tumayo ako at pinulot ko yung mga papeles na binigay sa akin ni Dad.
Gusto talaga nilang mapabagsak ang Senshin tribe but we can’t. We generally have stronger sixth senses and we can use the Black Dimension but that’s all. Mas marami sila at mas advanced ang technology na gamit nila. At isa pa...kaya nilang gumamit ng Seventh Sense.
Sa records ng ancestors namin, sinabi nila na nasa possession ng Senshins ang libro na sinulat ng tatay nina Shou at Ryou, first ancestors ng Senshins at Shinigamis, about sa kakaibang technique using the sixth senses. To defeat them, we also need to learn that. Sigurado sina Mom and Dad na yung libro ay nasa school na yun ngayon.
Tinignan ko ulit yung papeles na hawak ko.
Tantei High, huh.
***
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...