"May idea ka na ba kung paano nagagawa 'yang seventh sense na 'yan?" tanong ni Dana at umiling lang ako.
"Alam ko lang idecode ang mga nakasulat pero mahirap pa ring intindihin ang contents. Sa mga nakuha kong information sa kanila, na-aactivate daw ang seventh sense kapag alam mo ang strengths and weaknesses ng sixth sense mo at kapag may deep connection kayo ng mga kasama mo."
"That sounds simple but not specific."
"Yeah. That's why it's hard to research about this."
Nandito kami ngayon sa kwarto ko at pinag-uusapan namin ang tungkol sa seventh sense. Hindi ko naman mapakita sa kanya 'yung libro dahil binigay ko kay Mom ang mga 'yun kaya sinulat ko na lang sa papel 'yung ilang symbols at paragraphs na natatandaan ko.
"Anyway, ano palang nangyari nung bumalik ka sa lugar na 'yun?"
Napatigil naman ako sa tanong niya. Three days na ang nakakalipas simula nung nangyari 'yun at ngayon lang kami nagkita ulit ni Dana. Nilaru-laro ko ang ballpen na hawak ko habang inaalala ko ang naging usapan namin.
"Nothing. Binalik ko lang sa kanya ang tracker na nilagay niya sa akin at pinutol ko na lahat ng connection ko sa kanilang lahat."
"This is the first time that I saw you like this."
"What do you mean?"
"You don't sound confident."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Shinigamis look up to me because I'm a Royal, the daughter of our current leader, and the next leader in line. Those situations give me confidence and pressure. Pero nung binigay sa akin ang mission sa Tantei High, marami akong nakilala na mas malakas sa akin, bukod sa parents ko at sa Elites nila. Kung icocompare ang Atama family, halos kalevel nila ang Elites like Dana, Keith and Kid.
"They will be here in three seconds," bigla namang sabi ni Dana kaya napatingin ako sa kanya and after three seconds, bumukas ang pinto at nakita ko sina Keith...
...and Kid.
"Miss me, girls?" then he smirked.
"Kid!" Halos tumalon kami ni Dana sa kama at tumakbo kami papunta sa kanila. The next thing I knew, magkakayakap na kaming apat at rinig na rinig ko ang pagtawa ni Kid sa tenga ko. Ang tagal ko nang 'di naririnig ang tawa niya at masaya ako na nakalabas na siya sa kulungan niya.
"Uhm...you guys are too heavy..." Saka lang namin napansin na si Keith pala 'yung sumusupport sa weight naming tatlo kaya bumitaw na rin agad kami ni Dana sa kanila at kinalma namin ang mga sarili namin.
Ngayon na lang ulit kami nagsama-samang apat at laging sa kwarto ko ang nagiging tambayan nila. Somehow, it feels like I'm home. I feel like my old self again. Seeing my comrades beside me gives me confidence and security. When I was at the enemy's lair, I felt alone. There was always the feeling of danger and I can't lower my guard for even a second.
"You're spacing out."
Nagulat naman ako nung maramdaman ko ang kamay ni Kid sa magkabilang pisngi ko at nakita kong nakatingin na silang tatlo sa akin. I tightened the walls around my mind and smiled at them.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...