Habang naglalakad kami ay hindi ko maramdaman ang upper body ko. Tanging binti at paa ko lang talaga ang nakakagalaw but the rest of my body is completely frozen. Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang sixth sense ni Kodai dahil nasa likuran ko siya at nasa magkabilang-gilid ko naman ang mga kasama niya.
Sinara ko nang mabuti ang isip ko dahil bigla kong naalala ang lahat ng nangyari nung nakaraan. Agad akong nakaramdam ng hiya nung narealize ko ang mga ginawa ko. Wala talaga ako sa matinong pag-iisip nung oras na 'yun at nadala lang ako masyado ng emosyon ko. For days, I was alone in that place and all my fears and worries made me less rational. Seeing him that time gave me hope. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko at inisip ko ang responsibilities ko pero dahil sa mga sinabi niya sa akin, naging mahina ang loob ko at pinangunahan ako ng halu-halong emosyon.
I seriously want to punch myself right now but my body is not cooperating, though at the back of my mind, there's a little percent that I don't regret what I did. I promised myself that that's my last selfish act. From now on, I want to start a new life. I want to reclaim my honor and pride.
Napatigil ako bigla sa pag-iisip nung huminto kami sa Medical department. Hinatak nila ako papunta sa loob. Dahil ilang beses na akong nakapunta rito ay alam kong sa right wing ang hospital pero lumiko kami sa left wing kaya kinabahan ako. After a few minutes ng paglalakad sa hallway ay nakita kong puro research and experimental laboratories ang nandito sa part na 'to. Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa dulo at bumaba sa basement. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Dr. Miwako at nagulat siya nung nakita niya kami. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil madilim dito at sa gutom, pero parang kagagaling niya lang sa pag-iyak at agad niyang pinunasan ang pisngi niya.
"What are you doing here...Sir Kodai?" tanong niya at gaya ng tono ni Kyo kanina kay Eichiro ay parang may galit din sa tono niya.
"Iiwan ko siya sa'yo," then his two followers pushed me down the floor. Hindi ko na tinangkang bumangon dahil hindi ko pa rin magawang igalaw ang upper body ko.
"For what? I've already run several tests with her blood."
"Pag-aralan mo rin ang buong katawan niya. Paniguradong may makukuha ka, at ibigay mo sa akin ang resulta." Hindi na niya pinagsalita si Dr. Miwako at agad siyang lumabas ng kwarto kasama ang dalawang nakabantay sa akin kanina. Naiwan kaming dalawa rito at after a minute or two ay naigalaw ko na ang katawan ko.
Nagkatinginan kami ni Dr. Miwako at tahimik naming sinusukat ang isa't isa. Sa totoo lang, sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil iniisip ko na ang plano kong pagtakas mula rito, but she's a strong enemy.
Bigla naman siyang napabuntung-hininga at naging soft ang expression niya.
"Huwag ka nang magbalak na tumakas. I might kill you."
Hindi ako kaagad nakahinga nung sinabi niya 'yun habang nakatingin sa akin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Huminga ako nang malalim at inayos ko ang posisyon ko. Kung nasa akin lang sana ang cards ko, mas madali akong makakatakas mula rito.
"Seriously. That shitty old man," pabulong niyang sabi at tumalikod siya sa akin. Again, I can sense her anger in her tone. Naalala ko rin ang nangyari kanina kay Kyo at Eichiro. I might be wrong but...
"May kinalaman ba ang council of elders sa pagkamatay ng anak mo?" After kong sabihin 'yun ay nakita kong nagtense ang buong katawan niya. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin siya gumagalaw at nung magsasalita na ulit ako ay humarap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...