Chapter 1

816K 20.3K 3.6K
                                    

“Ate Rielle, totoo ba yung sinabi ni Ate Rin? Aalis ka raw? Saan ka pupunta?”

Umagang-umaga pa lang, binulabog agad ako ni Sarah sa kwarto ko. Dapat talaga hindi ko muna siya tinuruang magtravel gamit ang Black Dimension. Nakakapasok tuloy siya sa kwarto ko kahit nakalock naman.

Bumangon agad ako at hinarap ko siya. Napangiti ako dahil sa itsura niya. Gulu-gulo yung shoulder-length, light brown niyang buhok at mukhang di pa siya naghihilamos. Paiyak na rin yung itsura niya habang nakaluhod sa may kama ko. Ang cute talaga ng batang ‘to.

“Mmm. Pero di pa naman ngayon,” saka ko lalong ginulo yung buhok niya. Tumayo na rin ako at nag-inat-inat muna. Sinarado ko na rin agad yung isip ko.

Hindi ko pa rin maisip na nagawa kong sabihin yun kahapon. Sinigawan ko sina Mom and Dad. First time ko yung ginawa! Kasalanan rin naman nila. Ni hindi man lang nila iniisip yung feelings ni Rin. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanila, at alam kong mas lalong nainis si Rin sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko? Mas magandang umalis na lang ako rito para hindi na mahirapan si Rin.

“Kailan ka aalis?” sumunod naman sa akin si Sarah at kumapit pa siya sa laylayan ng damit ko. Inalala ko naman yung nakasulat sa may papeles.

“August 31. One week pa,” then I smiled at her.

Pumasok ako sa banyo at sumunod rin siya. Hinilamusan ko na rin yung mukha niya at inayos ko yung buhok niya. Sa totoo lang, mas ramdam ko pa yung pagiging ate ko kay Sarah kaysa kay Rin. Nung bata pa kami ni Rin, close kami sa isa’t isa pero lumayo yung loob niya sa akin simula nung lagi nang pinag-uusapan nina Mom and Dad kung paano ko pamumunuan yung tribe sa future.

Naging close rin ako kay Sarah dahil gusto niya raw maging apprentice ko. Akala ko nga dati, nagjojoke lang siya, pero seryoso pala. Paano kasi, six years old pa lang siya nun. Pero dahil nga iniiwasan na ako ni Rin noon, si Sarah ang parang naging second sister ko. Eight na siya ngayon, at sa loob ng two years ng pagtuturo ko sa kanya, mas mataas na ang level niya kaysa sa mga ka-edad niyang Shinigamis.

“Saan ka pupunta, ate?” tanong agad ni Sarah nung bumalik na kami sa may kama. Paano ko ba ieexplain sa kanya ‘to?

“I’m going to study. May kailangan kasi akong matutunan para mas lumakas yung sixth sense ko,” sabi ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na mag-aaral ako sa school na yun para maging spy at para nakawin ang isang libro dahil kaming pamilya lang ang dapat makaalam nun.

“Hindi ako pwedeng sumama?” sabay pout niya pa. Aba, nagpacute pa ang isang ‘to!

“No. You’re still weak.” Tinignan naman niya ako nang masama.

“Eh kasi hindi mo na ako tinuturuan! Tinatakasan mo ako lagi!”

This time, guilty ako. Minsan ko lang rin naman kasi siya turuan. Actually, sinadya ko talaga na gawing once a month na lang yung lessons namin dahil masyadong mabilis yung progress niya. Pag nalaman ng Elites na mas malakas pa siya kaysa sa regular Shinigamis, paniguradong ipapadala siya sa mahihirap na missions kahit bata pa lang siya, and I don’t want that to happen. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya kaya dapat bagalan ko lang ang pagtuturo sa kanya.

“Ah! Pipili pa tayo ng weapon ko! Sabi mo dati kapag nakapagtravel na ako sa Black Dimension, pwede na akong magkaroon ng weapon.”

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon