Chapter 2

575K 18.8K 4.7K
                                    

Tinignan ko ang relo ko at 3:35 AM na. Siguro naman wala nang Shinigamis na nagnanavigate ngayon sa Black Dimension. Kailangan ko kasing tahimik na umalis dito dahil secret task ito. At isa pa, ayoko ring makita yung mga taong malalapit sa akin dahil mahihirapan lang akong umalis.

Binuksan ko yung Black Dimension mula sa kwarto ko habang hatak-hatak ko yung maleta ko. Nung nasa loob na ako, tuluy-tuloy lang akong naglakad.

“Hm? Where are you going?” Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako kung saan nanggaling yung boses. Pagtingin ko, papalapit si Kid sa akin. Tsk. Bakit nandito siya ng ganitong oras? Sinarado ko nang mabuti yung isip ko para makasigurado na wala siyang mababasa.

“Mission. Sa ibang bansa.”

“Cool. Saang bansa?”

“Australia.” Yun ang una kong naisip. Bahala na kung anong magawa kong kwento!

“Oh. Pero bakit dito ka dumaan sa Black Dimension?” sabi niya sabay hikab. Mukhang inaantok na ang isang ‘to. Bakit kasi gumagala pa siya dito? Hindi na lang siya matulog.

“Ayokong dumaan sa hallway. Tsaka mas gusto ko dito. Ikaw? Bakit ka nandito?”

“Katatapos lang ng mission. Killed some Custos agents.” Naalala ko naman bigla yung mission about doon. Nalaman kasi namin na may mga Custos na hinahanap yung base namin at yung temporary headquarters nila ay malapit dito.

“How was it? Nalaman nila?”

“No. They were just Class D agents. Madali lang iligpit.”

Bigla naman siyang lumapit sa akin at tinitigan niya yung mukha ko. Then, sinuotan niya ako ng sunglasses.

“You can’t revert it back to black or brown, right? Use this to cover your eyes,” sabay ngiti pa niya. “Sige, magpapahinga na ako. Morning, Rielle,” saka siya tumalikod at lumabas na siya sa Black Dimension.

Napahawak naman ako sa sunglasses na sinuot niya sa akin. Oo nga pala, hindi ko na mababalik sa dating kulay yung mata ko since malapit na ako sa Green Stage. Bakit kasi wala kaming magawang paraan para mabalik or icover man lang yung mata namin nang hindi na gumagamit ng ganito. Tsk.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Alam ko naman kung saan ako pupunta dahil ilang beses na rin kaming nagspy sa Tantei High, pero sa labas lang. Ito ang first time na makakapasok ako sa loob nun. Sana nga lang, walang makadiskubre sa akin. Kailangan kong maging maingat sa lahat ng galaw ko.

Halos isa’t kalahating oras akong naglakad at after that, lumabas na ako sa Black Dimension. Buti na lang at wala pang tao dito sa may park kaya walang nakakita na lumitaw ako bigla. Hinawi ko yung mga sanga at naglakad ako papunta sa gitna ng gubat. Nakita ko yung lake at yung buong school pero madilim pa.

Masyado yata akong maaga.

Binitawan ko muna yung maleta ko at sumandal ako sa may puno. Kinuha ko yung form at ang nakalagay doon ay 7 AM pa papapasukin ang transferees. Two hours pa akong maghihintay dito.

Gusto ko sanang matulog pero buhay na buhay pa yung utak ko at ayaw akong patulugin.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon