Hindi ako gumalaw dahil alam kong may nakatingin sa akin. Pinakiramdaman ko siya pero hindi rin siya gumagalaw. Ang naririnig ko lang sa paligid ay ‘yung paghampas ng hangin sa mga puno. Dahan-dahan kong kinuha ang cards sa bulsa ko pero mukhang nasense niya ang movement ko kaya bigla siyang sumugod...
At halos mapasigaw ako nung makita ko ang itsura niya.
Napasandal ako sa puno habang nasa harapan ko ang isang malaking oso na thrice ng laki at lapad ko. Pero ang mas nakakagulat ay ‘yung fur niya dahil patusok kaya nagmukha siyang higanteng hedgehog na nakatayo. Tapos marami ring scars ang mukha niya at ang hahaba ng claws niya.
Is this really a bear? Ngayon lang ako nakakita ng ganito ang itsura.
But there’s nothing to worry about. I can handle it. This is just like any monstrous animals. They can be dangerous but they only use their instincts.
Bigla naman siyang nagroar at sumugod sa akin kaya tumalon agad ako sa taas ng puno. Tumama siya doon sa trunk kung saan ako nakasandal kanina at sobrang lakas ng pag-uga ng puno to the point na muntik na akong malaglag. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil muntik na niya akong masunggaban. Hindi ko akalaing sobrang bilis ng kilos niya. At pagtingin ko doon sa puno ay butas-butas na ang trunk dahil doon sa matalas niyang balahibo.
The bear roared at me again and it slammed its body to the tree. This time, sobrang lakas ng impact kaya na-uproot ‘yung puno at bumagsak. Tumalon agad ako at tumakbo papunta sa katabing puno. Mukhang hindi naman ako nakita nung oso kasi nakafocus pa rin siya doon sa punong itinumba niya at inislash niya ‘yung claws niya doon na parang hinahanap niya ako.
Gagamitin ko na sana ang time na ‘yun para tumakas dahil ayaw kong kalabanin ang isang ‘to. Baka kasi may makakita o may makaramdam na may nangyayaring kakaiba rito sa gubat. Pero muntik na akong mapasigaw nung naramdaman ko ang sakit sa paa ko.
Shit! Sabi ni Yuuki, ayos na raw ang sprain ko pero bakit parang bumalik ulit? Ang sakit! Paano ako ngayon makakatakas sa isang ‘to?
“Meow.”
Napahinto naman ako sa paggalaw nung narinig ko ‘yun. Hinanap ko kaagad kung saan galing ang tunog at nakita ko sa likod ng oso si Demi. Mukhang hindi niya pa alam na may oso sa harapan niya dahil palinga-linga lang siya. Hindi naman kasi kaagad makikita ‘yung oso dahil dark ang kulay niya. Pinilit kong kunin ang atensyon ni Demi pero hindi niya ako makita. Pero nung tumalikod ‘yung oso ay natakot ako para kay Demi.
“Demi!”
Parehong napatingin sa akin si Demi pati na ‘yung oso. Nakahinga ako nang maluwag nung hindi tuluyang lumingon ‘yung oso kay Demi dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya, at nakita na rin ako ni Demi. Pero ang problema ay nahanap rin ako ng oso at tumakbo siya papunta sa puno kung nasaan ako.
Hindi ako makagalaw dahil sa bwisit na paa ko kaya inatake ko na lang siya gamit ang cards ko. Tinamaan siya sa kaliwang pisngi at nagroar siya pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagtakbo papunta sa akin. Shit talaga! Hindi ko magamit ang buong lakas ko dahil sa posisyon ko at sa paa ko.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...