Chapter 44

324K 12.4K 1.6K
                                    


Bago pa ako maabutan ni Kid ay pinunasan ko ang luha ko at pinigilan ko ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina. They were there. But I've already made my decision.

I can't be with those people. I chose my tribe. I chose my responsibilities as a Shinigami and as a Royal.


"Rielle."


Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kid at nakita ko siyang papalapit sa akin habang hawak niya ang lance niya. Huminga ako nang malalim at hinarap ko siya.


"Let's go," I said while pulling my cloak to cover my face. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


Tahimik lang kaming dalawa at thankful ako dahil hindi na siya nagtanong tungkol sa mga nangyari kanina. Kid might be playful and rude sometimes but he's not that insensitive. Hanggang sa makalayo kami ay hindi pa rin kami nag-uusap and that gave me a breathing space.


"Here." Nagulat naman ako nung bigla akong hinatak ni Kid papunta sa kaliwang direksyon. "Dito ang papunta sa Genome Organization," seryoso niyang sabi. Nagnod na lang ako at nagpahatak sa direksyong sinasabi niya. Hanggang sa ilang minuto ang lumipas at binuksan niya ang Black Dimension sabay sabing, "We're here."


Nakarating kami sa loob ng isang building at mukhang nasa hallway kami ng fourth floor. Pagsilip ko sa baba ay napakaraming employees at lahat sila ay naka-black. Parang tuloy nasa base lang kami.


"Do you know where the girl is?" tanong ko kay Kid pero umiling siya.

"Maghiwalay na lang tayo sa paghahanap," he suggested and he opened the Black Dimension again. Before I could say something, he was already gone.


Tss. Iniwan na lang ako bigla.

Naglakad-lakad ako sa fourth floor dahil wala namang masyadong tao rito. Mostly ay nasa first and second floor sila. Nung nakakita ako ng hagdan ay agad akong umakyat at may nakita akong plan na nakadikit sa pader. Mukhang eight-storey floor ang building na 'to at ang laboratories nila ay nasa sixth floor. Agad naman akong pumunta sa sixth floor at pagdating ko doon, mas marami ang tao kaysa sa first and second floors.

That girl is definitely here.

I roamed around the sixth floor and used the Black Dimension to navigate inside the labs. Sa unang lab na napasok ko, iba't ibang uri ng hayop ang nakita ko at napaatras agad ako dahil sa sangsang ng amoy. Ilang ganung lugar pa ang napasukan ko at may ilang bangkay din akong nakita. Pero sa fifth attempt ko ay may naramdaman akong kakaiba.

I entered that lab and saw several scientists or researchers, whatever you call them, inside it. And lying on the top of an experiment table is a naked girl with her eyes...crystal blue eyes open.


"Hmm...another unique specimen."


Napalingon ako sa narinig kong boses at nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Ni hindi ko namalayang napansin na pala niya ako dahil nakafocus lang ako sa Huntres.

All of a sudden, I feel infuriated. I dislike the other Erityian tribes but seeing a group of humdrums experimenting on them enrage the hell out of me. How dare these humans mock our race? This is one of the reasons why I hate these low-life humdrums.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon