Chapter 29

407K 13.6K 2.4K
                                    


Nireport sa amin ni Mayu ang lahat ng alam niya. Kausap niya pala ang isang Senshin police kanina sa phone dahil nagkaroon ng kaguluhan sa munisipyo. Natagpuan daw kasing wala nang buhay ang Mayor pagkatapos ng pagsabog.

"You think this is a different case? Or the bombs are just diversion?" tanong ko sa kanila.

"Siguro malalaman natin kung pupunta tayo ngayon sa Mayor's office," suggestion ni Naomi kaya pinaandar kaagad namin si Mayu.

Hindi pa rin ako mapakali dahil baka may sumabog na namang bomba kung saan. Ten minutes pa lang ang nakakalipas simula nung sumabog ang bomba sa park. Ibig sabihin, twenty minutes pa ang hihintayin namin para maprove kung meron pa ngang bomba.

After three minutes ay nakarating kaagad kami sa munisipyo at nagmadali kami sa pagpasok. Buti na lang at may tatlong Senshin police na nandoon, though katulad namin ay nakasuot din sila ng black lenses para hindi makita ng humdrums na green ang mga mata namin. At kahit naman hindi ko nakitang green ang mata nila ay alam ko kaagad na Senshins sila dahil sa kilos nila. The police humdrums here are really sloppy. Parang hindi nila alam ang ginagawa nila and mostly ay nag-iinterview lang sila ng mga tao, while the Senshins are at the crime scene.

Pagdating namin doon ay nakaharang sa pintuan ng office ang mga pulis dahil ang daming reporters at mga usisero sa labas. Agad naman kaming pinapasok dahil ang chief inspector ay isang Senshin. Pagpasok namin ay lumantad ang katawan ng Mayor.

Nakahandusay siya sa sahig habang dilat na dilat pa ang mata at nakaawang ang bibig.

"Ugh. Brutal," bulong ni Akira. Paano kasi, may tama ng bala sa noo 'yung Mayor tapos may tatlong tama rin sa dibdib. Halos kumalat 'yung dugo sa buong katawan niya pati na sa sahig.

"Narecover niyo na ba ang mga bala?" tanong ni Naomi doon sa police officer sa gilid namin.

"Yes. Four bullets were found on his body."

"And the gun?" tanong naman ni Hideo.

"Kinuha ng forensic team. Tsk."

Napansin kong kumunot 'yung noo nung pulis at narealize ko na ang forensic team dito ay binubuo ng humdrums. Tss. Kung isa siguro sa Senshins ang humawak nun ay na-identify na kung may fingerprints at ibang details doon sa baril. Akala ko yung mga nag-iinterview lang sa mga tao yung humdrums dito, 'yun pala meron ding iba rito sa crime scene.

"Anong baril ang gamit?" This time, si Michiko naman ang nagtanong.

"I think it's a Mamba pistol and the bullets are 9 x 19 parabellum."

"A semi-automatic pistol, huh. Then pwedeng babae o lalaki ang pumatay sa kanya."

"May suspects na ba?" tanong ni Mitsuo.

"Yes. Iniinterview sila ngayon sa kabilang kwarto."

Sumunod sila doon sa pulis pero ako ay nagpaiwan dito. Tinignan ko nang mabuti ang bangkay at masasabi kong experienced sa firearms ang pumatay sa kanya. Alam ko kung ano ang fatal points ng katawan ng tao, well not exactly. Keith's sixth sense is that he knows the fatal points of the body...he can see them. Siya ang tumulong sa amin nina Kid at Dana kung paano pumatay ng malinis at madali by just targeting a fatal point. Hindi ko alam kung natamaan mismo sa fatal point 'yung Mayor but I'm pretty sure na malapit. 'Yung tatlong bala sa dibdib niya ay halos magkakadikit lang at gitnang-gitna pa 'yung tama sa ulo niya.

"At the back of his ears."

Napatalon ako nung may bumulong sa tenga ko at pagtalikod ko ay nakita ko si Mitsuo. Seryosong-seryoso 'yung mukha pa ang mukha niya. Tinignan ko kaagad 'yung sinabi niya at natulala ako.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon