“Ouch!”
“See? Kapag nanlaban ang isang kriminal, pwede niyo ‘tong gamitin.”
Tumayo si Mitsuo sa pagkakahiga niya. In-arm throw kasi siya ni Kyo at talagang rinig na rinig ‘yung pagbagsak niya sa sahig. Ang lesson namin ngayon ay kung paano ipeprevent ang pagtakas ng isang suspect or criminal kapag hinahabol siya.
By partner kami at si Naomi ang kasama ko. Ewan ko pero bigla kaming naging seryoso pareho. Naging alert ako sa kilos niya dahil alam kong anytime ay pwede siyang umatake.
“Oi, oi, ang seryoso niyo naman masyado—whoa! Teka! Akira!”
Nakita ko sa peripheral view ko na nung tumingin sa amin si Michiko ay ginamit ‘yun ni Akira na opportunity para umatake.
Bigla ko namang napansin na napatingin siya ng splitsecond sa kanila at gaya ni Akira, ginamit ko ‘yun para atakihin siya. Sinunggaban ko ‘yung braso niya at sinubukan kong i-throw siya pero hinawakan niya ng dalawang kamay ‘yung sleeves ng damit ko at hinook niya rin ‘yung right leg niya sa right leg ko. Dahil nasa disadvantage ako, minadali kong yakapin siya at hinigpitan ko ‘yug hawak sa bewang niya and I pushed her to the ground. Pero bago pa siya bumagsak ay inikot niya ako kaya ako na ‘yung nasa ilalim.
Ang sakit sa likod! Brutal pala ang gusto mo ha?
Dahil nasa gitna ng legs ko ‘yung binti niya ay inipit ko ‘yun at finlip kaya napasigaw siya. That time ay gumulong ako and I pinned her down.
“Okay, enough.”
Napatigil naman kami sa paggalaw nung narinig namin ‘yung boses ni Kyo. Tsaka ko lang narealize na nakatingin na sa amin ‘yung lima.
“Ang sabi, judo techniques hindi wrestling!” sabay iling pa ng ulo ni Akira.
Tumayo naman ako at tinulungan ko si Naomi.
“Sorry. Nadala lang,” sabay bow niya sa akin.
“Masanay ka na dyan. Masyado siyang competitive,” sabi naman ni Mayu.
After ng discussion sa skills namin ay dinismiss rin kami kaagad ni Kyo dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Malakas ang kutob ko na tungkol ‘yun sa narinig ko kagabi.
Agad-agad naman kaming bumalik sa dorm. Pero pagdating namin sa room ay nagpalit lang ng damit si Akira tapos sinundo siya ni Michiko then lumabas na sila.
“Saan sila pupunta?”
“They have their own training menu to improve their sixth sense,” sagot ni Naomi.
“Oh.”
Dati hindi ko lang pinapansin ‘yung pag-alis-alis ni Akira sa kwarto. ‘Yun pala nagtetraining siya?
“Magdedecode ba ulit tayo?” Hindi ko alam pero parang excited siya. Wow ha. Naeexcite talaga siya sa pagdedecode? Gaano ba kaboring ang buhay ng isang ‘to?
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...