Ang weird ng panaginip ko kanina. Parang may sinabi si Hideo na something pero hindi ko marinig. Oh well, panaginip lang naman. Hayaan na nga. Bumangon ako at pinakiramdaman ko muna ang paa ko.
"Oh, 'wag ka munang aalis dyan. Ikaw rin, Naomi! Bakit ba ang kulit niyong dalawa?"
Nagkatinginan kami ni Naomi na pababa na rin pala ng kama at napangiti na lang kami sa sinabi ni Akira. Para tuloy siyang magulang namin dahil binabantayan niya kami dito sa room. Actually, nandito na kami sa dorm namin dahil pareho naming ayaw magstay sa ospital. Kaya ngayon ay si Akira ang nakukunsumi sa amin.
"Akira, ayos na ako," sabi ni Naomi.
"Ako rin," dagdag ko pa.
"Wala akong pakialam. Basta bawal kayong umalis dyan. Kundi, papapuntahin ko rito sina Hideo at Mitsuo."
"Ano namang kinalaman nila?" tanong ko pero pinagsisihan ko kaagad 'yun dahil may namuong nakakalokong ngitisa mga labi ni Akira.
"Akemi, don't underestimate my ears," sabay turo niya sa tenga niya.
"Fine, fine."
Umayos ulit ako ng upo ko sa kama dahil ayoko nang maalala 'yung mga nangyari kagabi. Narinig pala ni Akira 'yung mga pag-uusap namin. Nakakainis talaga ang sixth sense niya sa mga ganitong sitwasyon.
Tinransfer kaming dalawa ni Naomi sa kwarto namin sa dorm para na rin makapagpahinga nang maayos. At isa pa ay pareho naming mas gusto rito. Napatingin naman ako kay Naomi na katabi ko lang sa kama at huminga ako nang malalim.
"Sorry nga pala," sabi ko sabay tingin sa binti niya.
"It's okay. Aksidente lang naman ang nangyari. Besides, natamaan mo rin si Daiki."
"Yeah..."
Naisip ko naman bigla si Keith. Natamaan ko nga rin siya pero alam kong hindi siya napuruhan. Isa pa, useful din ang sixth sense niya sa mga ganung klaseng sitwasyon. Ang mas iniisip ko ngayon ay si Kid. Ano na kayang nangyari sa kanya? Napuntahan na ba siya nina Dana at Keith? Nakapag-usap ba silang tatlo? Ano na kayang binabalak nila? At ano nang ginagawa nina Mom?
"Huy!" Napatingin naman ako bigla kay Michiko na nasa harapan ko na. Teka, bakit nandito siya?
"Kanina ka pa nakatulala dyan. Hindi mo tuloy sila napansing pumasok," sabi ni Akira sa akin.
Saka ko lang nakita na nasa loob na nga ng kwarto namin sina Mayu at Michiko. Masyadong malalim ang mga iniisip ko kanina kaya hindi ko na sila napansin. Sinarado ko na lang ang isip ko para makapagfocus sa nangyayari ngayon.
'Your mind is really hard to read.' Tumingin agad ako kay Naomi na nasa tabi ko pero nakatingin lang siya sa harapan niya at nakikipag-usap kay Michiko. How can she do that? Hindi ba nakakalito na kinakausap niya si Michiko using her real voice at ako naman by her inner voice?
'Bakit mo kasi binabasa ang isip ko?' tanong ko na lang sa kanya at mas lalo ko pang sinara ang isip ko.
'Hindi ko rin alam. Siguro kasi dahil mahirap? It's in our nature to try things that are challenging, dangerous and forbidden. Alam kong ganun ka rin.'
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...