Chapter 3

557K 18.7K 10.3K
                                    

“Here’s your new ID,” sabay abot sa akin ni Yamato ng card na hawak niya. Pagtingin ko, hindi na A107-F56934 ang nakalagay na student number ko kundi MT205-F56934. So ibig sabihin, sa Atama family na ako?

Tinuro niya sa akin yung girl’s dorm kaya lumabas na ako sa building na ‘yun at naglakad papunta sa dorm. Habang naglalakad ako ay gusto ko nang kunin yung cards sa bulsa ng jacket ko dahil sa dami ng Senshins sa paligid. Ganito pa nga lang, hindi na ako makapagpigil, paano pa kaya kapag may kasama pa ako sa kwarto?

Binilisan ko na lang yung lakad ko habang dala-dala yung maleta at nakarating naman agad ako sa dorm. Dahil bago na yung family ko, nabago na rin yung room ko. Saka ko lang napansin na isang building lang pala ang girl’s at boy’s dorm pero magkaibang wing—right side sa girls at left sa boys. Paakyat na sana ako sa kanan pero nahagip ng mata ko si Mitsuo at napatingin rin siya sa akin.

“Atama?” Napatingin naman ako bigla doon sa kasama niyang lalaki at nakatingin siya sa akin. Teka, ako ba ang tinanong niya? “ID mo. MT ang nakalagay.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ‘yun? Nakita niya ba? Pero ang layu-layo ko sa kanila! Sino ba siya?

“Akala ko sa Me ka?” tanong naman ni Mitsuo.

“Akala ko rin. They didn’t know I can use inner voice. ”

“Cool.”

“Yeah.”

After that ay nagpaalam na ako dahil hahanapin ko pa yung room ko. Pero hindi ko maalis yung tingin ko sa lalaking kasama niya. Tinitigan ko lang sila habang naglalakad sila palayo. Mukhang tinu-tour niya si Mitsuo sa dorm.

‘Why are you staring at me?’

Muntik na akong malaglag sa hagdan nung narinig ko yung boses ng lalaking ‘yun sa isip ko. Teka paano niya nalamang nakatingin ako? Nakatalikod sila sa akin ah?! Napailing na lang ako at tinuloy ko na lang yung pag-akyat ko. Ang weird niya.

Nakarating naman agad ako sa harap ng room pero hindi ko mabuksan yung pinto dahil ayokong pumasok. Panigurado nandoon yung roommates ko.

“Hello!”

“Oh sh—!!”

Muntik na akong matumba dahil sa gulat. Kumilos naman ng kusa yung mga kamay ko at hawak ko na yung cards ko. Buti na lang at napigilan ko yung sarili ko sa pagtarget sa kanya. Actually, parang tumigil sa paggalaw yung kamay ko ng ilang milliseconds bago ko napigilan talaga yung sarili ko. Err. Ewan, basta ang mahalaga hindi ako nakapatay sa first day ko rito. Bigla na lang kasing bumukas yung pinto at tumambad sa akin ang mukha ng isang babae.

“Success! Nagulat siya! Sabi sa’yo, Naomi, may tao sa labas ng room natin eh!” sabay tingin nung babaeng redhead sa isa pang tao sa may loob ng room.

“At muntik ka nang mapuruhan,” saka siya tumingin sa akin.

“Huh?” mukhang ‘di na-gets nung redhhead yung sinabi nung Naomi.

“Wala.”

Kinabahan naman ako bigla. Ibig sabihin, alam niyang muntik ko nang sugurin yung kasama niya. Pero hindi ko naman ‘yun sinasadya!

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon