Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Ni wala akong marinig kundi ang sarili kong paghinga at ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sumisigaw ba ako? Umiiyak? Ni wala akong maramdamang sakit.
Hindi ko na alam. Gusto ko na lang na matulog.
Ayoko na...
But I suddenly hear another voice. Someone's crying.
Bigla kong naalala lahat ng nangyayari at nagising ang diwa ko. Pawis na pawis ako at halos wala na akong lakas para gumalaw at magsalita. Pero nung nakita ko ang hawak ni Saeko ay hindi ko mapigilang maiyak.
Seeing her small body and hearing her cries made my harships worth it.
"Cut it," utos ni Saeko at pinutol ng assistant niya ang umbilical cord na nakabalot sa bata. Alam kong wala silang balak na ibigay siya sa akin at hihintayin lang nila akong manghina at mamatay sa kalagayan ko kaya naman inunahan ko na siya.
"P-please..." Napatingin sa akin si Saeko habang hawak-hawak ang bata. "L-let me hold her...for the first...and last time...please..."
Kahit na kinamumuhian ko si Saeko ay nagmakaawa ako sa kanya. Gusto ko lang mahawakan ang anak ko. Gusto ko siyang maramdaman.
"Is that your last wish?" seryoso niyang tanong at tumango ako. Wala na akong pakialam kung mukha akong kawawa dahil sa patuloy kong pag-iyak at sa itsura ko. I want to hold her. I want to be with her even for a few seconds.
Lumapit sa akin si Saeko at nagulat ako nung nilapit niya sa akin ang bata.
"I'll give you fifteen seconds. Cherish it."
Agad kong kinuha mula sa kanya ang anak ko at nagtuluy-tuloy ang luha ko nung nakita ko siya sa malapitan. Napangiti rin ako dahil kuhang-kuha niya ang pagkunot ng noo ni Hideo.
'You're such a beautiful child,' sabi ko at hinalikan ko ang noo niya. How I wish I could stop the time and cherish this moment forever.
"Your time is up," rinig kong sabi ni Saeko.
Sobrang saya ko ngayong nakita ko na ang anak namin, pero sabi ko na nga ba, hindi ko talaga kayang iwan siya sa kamay nila. This is not the right time to die.
"Sorry Saeko, but I won't hand her to you," mahina kong sabi at napahinto siya sa paggalaw habang nakatingin sa akin nang masama pero bigla siyang tumawa.
"You can't even—"
I looked at her with so much hatred that I can muster and willed all my remaining strength into my right eye. I felt a chilling sensation inside my body and a surge of power flowed through my eye. The next thing I knew, Saeko flew upwards and her head hit the ceiling. Her unconscious body fell to the ground and I tried getting up the bed while holding my child carefully.
Nagulantang ang mga assistant niya na nakapaligid sa akin pero nawalan na sila ng oras para maprocess ang nangyari dahil nirepel ko papunta sa kanila ang lahat ng ginamit nila sa operation. I even saw some scissors pierced their faces. Serves them right.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...