Nakatayo sina Rin at Sarah sa labas ng kulungan at hindi ako agad nakapagsalita. Naalala ko bigla ang buhay ko bago ko gawin ang mission na 'yun. These two were my source of strength but now, I can't even look at them without feeling guilty.
"Rin...Sarah..." I held back my tears because I don't want them to see my pathetic side.
"Bakit ate Rielle? Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo?" sabi ni Sarah at nakita kong pinipigilan niya ring umiyak, but she failed. Natahimik lang ako dahil alam kong mali ako. I broke my promise, and now, I broke her trust. "Sabi mo, babalik ka kaagad pero ang tagal mong nawala. Sabi mo, marami ka pang ituturo sa akin, pero hindi mo nagawa. Sinungaling ka, ate Rielle."
Tuluy-tuloy lang ang pagpatak ng luha niya habang nakatingin nang masama sa akin pero ramdam ko rin ang kalungkutan niya. It pains me to see her like this.
"Seems like you really betrayed us," sabi naman ni Rin habang nakatingin sa tiyan ko kaya napahawak ako nang mahigpit sa cloak na bumabalot sa akin.
"I-I'm sorry..." mahina kong sabi dahil hindi ko na alam kung paano sila haharapin.
Nagulat naman ako nung may hinagis si Sarah sa loob at napunta 'yun sa harapan ko. Pagtingin ko, halos lumubog ang puso ko. She threw the locket I gave her as a present last year.
"Hindi na ikaw ang Ate Rielle na kilala ko. Nagbago ka na. Binago ka nila." Tumalikod siya sa akin at alam kong ginawa niya 'yun para hindi ko siya makitang umiiyak. Halos nagmature na siya ngayon but she's still a crybaby. "I'm going to make them pay for it," mahina niyang sabi saka siya naglakad palayo. I wanted to call her but it seems like I have no right to call her anymore because of what I did.
Naiwan naman si Rin sa harapan ko at nakatingin lang siya sa akin. Napaupo na lang ako sa kama ko dahil lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"I envy you," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "You're strong and everyone recognizes it. Even our parents see you as a dependable leader and every Shinigami knows you because of your accomplishments. I really admired you and I trained earnestly to catch up with you."
Hearing those words from Rin's mouth made me feel a little better. Ang tagal-tagal na nung huli niya akong kinausap nang ganito at hindi ko na maalala kung kailan niya ako huling pinuri. Close naman kami nung mga bata pa kami pero nung nagkaroon na ako ng missions at nabigyan ako ng Elites, unti-unti nang lumalayo ang loob niya sa akin dahil lagi na akong wala sa tabi niya at lagi na kaming nacocompare sa isa't isa. Kapag pumupunta siya sa akin ay lagi akong may missions na iniintindi at hindi ko na siya nakakausap. Her smiles gradually faded and she became distant. Noong nabawas-bawasan na ang mga gawain ko ay gusto kong bumawi sa kanya, pero huli na ako. Every time I approach her, she runs away.
Of course, I understand her reasons. Bukod sa nawalan na kami ng oras sa kanya, hindi na rin siya nakawala sa shadow ng parents namin at sa akin. She's always known as Subaro's and Riko's daughter and Rielle's younger sister. I understand her pain because I, too, was compared to my parents before.
"I really envy you," pagpapatuloy niya habang nakatingin sa akin. "to the point that I started to hate you."
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...