Chapter 14

426K 14.9K 4.4K
                                    

“Bakit ba ayaw mong ipahiram sa akin?”

“Wala nga kasi sa’kin. Na kay Naomi. Sa kanya mo hiramin.”

“Tsk.”

Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong asarin ‘tong si Mitsuo. Ayaw niyang lumapit kay Naomi dahil siguro mahilig manghampas si Naomi. Pero ano naman ‘di ba? Parang hampas lang. ‘Di naman siya mamamatay doon.

Naisip ko naman agad ‘yung libro na ‘yun. Dahil alam ko na kung paano idecode ay hindi ko na ‘yun kailangan kaya nga pinahiram ko na kay Naomi dahil interested siyang basahin ‘yun. Tungkol lang naman sa history ng tribes ang laman nun at palagay ko ay wala doon ‘yung tungkol sa hidden skills ng bawat tribes. For sure ay nasa restricted section o sa lugar na hindi madaling makita ‘yung about doon. Gusto ko nang hanapin ‘yun pero hindi ko magawa dahil nag-iingat ako kina Hideo at Naomi. Alam kong suspicious na sila sa akin kaya ayaw ko munang gumalaw.

Umuwi muna ako sa dorm habang ‘yung iba ay pumunta doon sa plaza. Inaaya nga nila ako pero ang sabi ko medyo masakit ang ulo ko kaya hinayaan na nila ako.

Pagdating ko sa kwarto, tinignan ko muna ‘yung paligid kung may kakaiba. Pumunta ako sa closet ko at kinalkal ko ‘yung pinakailalim nun. The vial is still safe.

Kinuha ko ‘yung vial na ‘yun pati na rin ‘yung isang card ko. This is the only way to contact Dana. Hindi naman kasi ako pwedeng magtravel sa Black Dimension papunta sa base namin dahil for sure ay hahanapin ako ng mga ‘yun.

Dugo ni Dana ang laman ng vial. Actually, I have a lot of vials containing my friends’ blood. Isa rin kasi ‘to sa ways para macontact sila.

Sinulat ko sa isang maliit na papel lahat ng information na nakalap ko at dinikit ko ‘yun sa card ko. I marked it with Dana’s blood at hinintay kong matuyo. After that ay nilagay ko muna sa bulsa ng damit ko.

Humiga muna ako sa kama at nagpahinga.

Grabe. Mahigit isang buwan na ako dito pero wala pa ring progress. Hindi ko akalain na ganito kahirap kumuha ng information about sa tribe na ‘to. Buti na lang talaga at hindi nila ako nadedetect because of my special case.

“Hey!”

Naputol naman ‘yung pagpapahinga ko nung biglang bumukas ‘yung pinto at pumasok si Michiko.

“Bakit?”

“Tara! Tara!” bigla naman niya akong hinatak palabas sa kwarto.

“Teka, bakit ba?”

“May bagong case!”

Sabay kaming tumakbo papunta sa labas ng dorm at nasa harapan si Miyu. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong tinulak ni Michiko.

“Shi—”

“You’re welcome.”

Inayos ko naman agad ‘yung sarili ko. Tss. Sa lahat ng pwedeng makasalo sa akin, ‘tong si Hideo pa. Tapos parang nangmomock pa siya!

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon