Chapter 46

384K 14.6K 7.7K
                                    


It's been three days since I arrived at this place. At gaya ng sinabi ni Kyo, kahit anong gawin ko ay hindi ako makatakas. I tried opening the Black Dimesion countless times but I failed. I can't even feel it's presence. Ilang beses ko na ring sinubukang lumabas sa kwartong 'to mula sa pinto pero tuwing ginagawa ko 'yun ay bumabalik lang ako rito. Sinubukan ko ring akyatin ang maliit na bintana sa gilid pero narealize ko na hindi pala talaga 'yun bintana kundi projection lang ng itsura sa labas. Pati ang pagrepel sa buong kwarto, ginawa ko na rin, pero wala. I think the only way to get out of this place is from the outside.


'That's right. Kaya huwag ka nang magpagod pa dahil hindi ka makakalabas dyan.'


I stood still when I heard Kyo's inner voice. Dahil sa sinabi niya nung nakaraan ay ang weird na ng pakiramdam ko sa kanya, pero at the same time, nacucurious ako sa buhay niya...

...lalo na sa anak na tinutukoy niya.

Napaupo ako sa sahig at huminga nang malalim. Hindi ko na alam kung paano makalabas dito. Kung kaya ko lang macontact sina Dana...


"Sino si Dana?"


Halos mapatalon ako nung narinig at nakita ko sa harapan ko si Minerva, 'yung Huntres na pumunta rito nung nakaraan.


"What the heck are you doing?!"

"Uhm, dinadalaw ka?"


Napabuntong-hininga na lang ako dahil ayoko nang makipagtalo. Pagtingin ko sa kanya, medyo may kulay na ang balat niya at hindi na siya ganoon kaputla, pero gaya dati ay hospital gown lang ang suot niya. Umayos siyang upo at biglang naging seryoso ang expression niya.


"I'm leaving," biglang sabi niya. Saka ko narealize na ang ibig niyang sabihin ay babalik na siya sa village nila. Kaya pala nasa labas lang si Kyo. Siguro nirequest niya na hintayin na lang siya sa labas.

"Bye," halos walang buhay kong sabi pero kahit papaano ay nalungkot ako dahil siya lang ang kumausap sa akin maliban kay Kyo simula nung makulong ako sa lugar na 'to.

"I think we won't see each other very soon. Baka nga may pamilya na tayo kapag nagkita ulit tayo," sabay ngiti niya at naiwan naman sa isip ko ang salitang binitiwan niya.


Pamilya...

I don't think I'll have one.

Nagulat naman ako nung bigla siyang natawa kaya napakunot ang noo ko sa kanya.


"Why?" tanong ko.

"Kasi alam mo, mahilig akong mag-isip ng pangalan ng magiging mga anak ko in the future. Hindi mo ba ginagawa 'yun?"

"No. That's a weird thing to do."

"Really? But for me, it's pretty relaxing. Imagining the future with your partner and children keeps my mind from chaotic thoughts."

"Do you have a partner right now?" Pagkasabi ko nun ay ngumiti ulit siya at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kaagad ang sagot.

"Yes. He's one of those Huntres that I managed to save from the organization. Nung una ay ayaw niya pa akong iwan doon pero ako na mismo ang pumilit sa kanya para umalis dahil mas mataas ang position ko sa kanya. Inutusan ko siyang i-lead ang grupo ng mga nakatakas pabalik sa village and I think nagawa naman niya 'yun. I can't wait to see him again."

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon