***
“So, anong gagawin natin?” tanong ni Naomi kay Hideo.
After ng pinaggagawa ni Akira at Michiko kay Hideo ay hinatak sila palayo ni Naomi. Pero ang nakakagulat ay bigla silang tumahimik nung tinignan sila nang seryoso ni Mayu.
“Pupunta tayo sa plaza. Gusto kong maging pamilyar na agad sila sa campus,” tapos bigla siyang tumingin sa akin. What? May problema ba siya sa akin? Gusto niya ba ng away? I am always ready!
“Ah! Gising na sa Hiroshi!” biglang sabi ni Akira kaya napatingin kami sa kanya.
“I’ll be back,” sabi naman ni Mayu tsaka siya bumalik sa may dorm.
Hmm. Sino si Hiroshi? Member rin ba siya ng Atama? Akala ko ba kaming pito lang ang current members?
“Hiroshi is her son,” sabi sa akin ni Naomi. Nung una ay hindi ko pa maprocess yung sinabi niya dahil nashock ako, pero ano raw?!
“S-son? May anak na siya?”
“Hindi lang halata pero 22 years old na siya.”
“What?!”
“Yes. Kahit mukha siyang kaedad natin, mas matanda pa rin siya. Pero ayaw niyang tinuturing siyang mas matanda, though nagagalit rin siya pag hindi siya nirerespeto,” sabay tingin niya kay Akira at Michiko na parehong nag-iwas ng tingin.
Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Akala ko talaga nasa eighteen or nineteen pa lang siya. Sinong mag-aakalang 22 na siya? At lalong hindi ako makapaniwala na may anak na siya. Ibig sabihin, kasama si Hiroshi sa room nina Michiko at Mayu.
“Ilang taon na si Hiroshi?” tanong ko ulit.
“Magt-three sa October. ”
Wait, so 19 siya nagkaroon ng anak. Ang bata! And who is her husband? Kasal ba sila? Bakit ang bata nilang nagpakasal at nagkapamilya? At kung may pamilya na siya, bakit nandito pa siya sa Atama? Sobrang nacucurious tuloy ako kay Mayu.
Mga ilang minuto pa kaming naghintay at nakita na naming bumaba si Mayu—kasama si Hiroshi. Isa lang ang masasabi ko—sobrang cute ng anak niya!
“Hiroshi!” sabay angat ni Michiko ng kamay niya at kinuha niya kay Mayu si Hiroshi. Ngumiti naman sa kanya si Hiroshi. Ang cute niya talaga. Parang gusto ko rin siyang buhatin. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kanya dahil Senshin pa rin siya.
Nagsimula naman kaming maglakad papunta sa plaza. Nauunang maglakad yung dalawang lalaki habang kaming lima ay nakasunod sa kanila.
Ngayon ko lang narealize na sobrang laki pala ng school na ‘to. Hindi ko na kasi masyadong tinignan kanina since masyado akong nagfocus sa pag-control sa sarili ko. Ang dami ring nagkalat na estudyante at napapatingin sila sa amin.
“Pfft. We’re really famous,” bulong ni Michiko. “Right, Hiroshi? Paglaki mo, ikaw naman ang titignan. Kaya kailangan pogi ka. At huwag na huwag kang tutulad kay Hideo o dito sa Mitsuo na ‘to. They have dead face.”
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...