Chapter 58

295K 11.6K 2.3K
                                    


"Rielle!"


Napahinto ako nung nakita ko ang mukha niya at kung paano niya napatumba ang halos kalahati ng Shinigamis na nakapalibot sa akin ngayon. Nung napunta na siya sa harapan ko hindi ako makapaniwalang nandito siya. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit.


"Kid," bulong ko at parang may tinik na nabunot sa loob ko. "You're safe..."


Marami pa rin siyang sugat sa katawan at halos nangayayat na rin siya pero hindi tulad nung nasa loob pa kami ng kulungan ay nagagamit na niya ang sixth sense niya. So Kiyoko's existence is really gone. This is just the Black Dimension and no more shadows from her. Damn it. I still can't accept it but...


"I'm glad you're safe too," sabay higpit niya sa pagyakap pero napatigil siya nung marinig niya ang pag-iyak ng anak ko. Biglang nagbago ang expression niya pero nung tinignan niya ang bata ay napangiti siya. "She looks like you."


Napangiti na lang ako kahit na hindi ko makita ang sarili ko sa kanya. Napatigil naman kami sa pag-uusap nung nakarinig kami ng ingay at lalo pang dumami ang nakapaligid sa akin. Pumosisyon si Kid sa harapan ko at hinarangan niya kami ng anak ko. Pero nagulat ako nung isa-isa na namang nagbagsakan ang mga paparating hanggang sa tuluyang naging tahimik ang paligid.


"Seriously, Kid. How can you leave us like that after releasing you from that prison?"

"Hayaan mo na. He's just worried."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo ang luha ko nung makita ko sina Dana at Keith na papalapit sa akin habang hawak ang weapons nila.


"You guys..." Nung makarating si Dana sa harapan ko ay ngumiti siya sa akin at yumakap ako sa kanya. "Bakit? Bakit kayo nandito?"


These people. Kapag nalaman ng iba na tinulungan nila ako, siguradong hindi ito papalampasin ni Mom. Ayokong madamay sila sa gulong sinimulan ko pero ngayon ay nandito sila sa tabi ko. I'm thankful but I feel guilty at the same time.


"Are you crazy?" biglang sabi ni Dana. "You're the one we serve. You are our Royal. Of course we'll be on your side no matter what."


Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang paghikbi pero nagtuluy-tuloy ang luha mula sa mga mata ko. I know that I am the Royal they serve but risking their positions, even their lives, for my sake is too much. I am not worthy.


"Let's go. This isn't a safe place to have a reunion," sabi naman ni Keith at tumango naman kami sa sinabi niya.


Nagsimula kaming maglakad at nakaalalay sa gilid ko si Kid. Sa katunayan, hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakalakad o nakakagalaw dahil kanina ay halos hindi ako makatayo nung pagkapanganak ko. Maybe I reached the threshold for pain and my own limit that I can't feel anything anymore but the desperation to get out of this place and save my child from danger.

Bigla naman akong napatingin kina Dana at Keith dahil naalala ko ang anak nila at agad bumigat ang loob ko.


Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon