Chapter 23

369K 13.7K 1.5K
                                    

“So how are you, Miss Senshin?”

Nilingon ko kaagad si Kid at nakita ko siyang nakangiti nang nakakaloko. Bwisit. Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa ilang buwan ko sa school na ‘yun, hindi ko naranasang bumalik sa Black Dimension dahil baka madetect ako ng devices nila. Kaya naman ngayong nandito na ako, namiss ko ang pakiramdam—the cold and chilling sensation of this dimension.

“Do you want to go back?”

“Bakit naman ako babalik dun?”

“Ewan. It seems like you’re close with them—”

“I’m not going back to them,” sabay tingin ko sa kanya.

“Okay. But seriously, ang tagal mo doon.”

“Hindi madaling makuha ‘yung libro because I need to be cautious when I’m with them.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa base. Pero napahinto agad nung nakita ko ang sitwasyon ng base namin.

“Ito rin ang naabutan namin kanina,” sabi kaagad ni Kid nung huminto ako.

“Nasaan sina Mom and Dad? Si Rin? Si Sarah?”

“They’re safe. Nasa main chamber sila pati na ang mga natirang Elites and researchers.”

“Let’s go.”

Nagmadali kami papunta doon sa main chamber kung nasaan sina Dad at halos wala akong maramdamang presence sa paligid. Mukhang walang natirang Soldiers at Assassins dito sa loob. That means nandoon nga sila sa kabilang entrance and that Custos managed to take them down.

Nung nakarating kami doon ay agad kong binuksan ang pinto at napatingin silang lahat sa amin ni Kid. Hinanap ko kaagad si Rin pero hindi ko siya makita. Si Mom lang ang nakita ko doon pati na rin si Sarah kaya lumapit ako sa kanila.

“Ate Rielle!” sabay yakap sa akin ni Sarah. Nginitian ko naman siya tapos tumingin ako kay Mom.

“Nasaan si Dad and Rin?”

“Nasa entrance. They want to make sure na wala nang makakapasok doon.”

Nang sabihin ‘yun ni Mom ay humarap siya doon sa computers at nagsabi siya ng commands. Nakikita kasi doon lahat ng places sa base at inuutusan niya ‘yung natirang soldiers at assassins ng mga gagawin nila.

“Fucking Lace! Kung alam ko lang na aatake siya, sana napigilan ko siya! Paano niya nalaman na wala masyadong tao rito? Don’t tell me may spy dito? O masyado lang siyang magaling magtiming?”

Nagulat ako nung nagwala si Mom doon at tahimik lang kaming lahat. Kapag mainit ang ulo niya, madalas ay pinapabayaan lang namin siya dahil pwede kang mamatay kapag ginulo mo siya. Pero hindi ko akalain na kilala siya ni Mom. Lace, huh? Madalas pa naman ay ang natatandaan lang ni Mom na names ay ‘yung mga malalakas at on par sa kanya. Kaya pala parang pinaglalaruan niya lang kami kanina.

Bigla namang may nagclick sa utak ko. Napaisip ako doon sa sinabi ni Mom. Lumapit ako kay Kid at bumulong ako sa kanya.

“Yung mata ng mga pinatay mong Custos agents ang kinuha nung Lace ‘di ba?”

“Yeah. Why?” bulong niya rin sa akin.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon