Nagtatrack po ako ng tweets sa twitter so para mabasa ko po ay ito na lang ang gamitin #SeventhSense. Thank you :)
***
Kinabahan ako nung narinig ko ‘yung boses. Hindi naman kasi ‘to tulad ng missions ko dati na kapag may nakakita sa akin ay pwede kong patayin agad. I can’t cause trouble here.
“May tao ba rito?!”
Naririnig ko ‘yung footsteps nung lalaki na papalapit na sa pwesto namin kaya hindi na ako makahinga. Idagdag pa na nakatakip sa akin ‘yung kamay ng Hideo na ‘to. Nasa gilid lang kami ng table at kapag dumiretso pa siya sa paglalakad ay matatamaan niya kami.
Shit! Rinig na rinig ko na ‘yung paghakbang niya! Lagot talaga kami kapag nakita kami rito. Baka kung anong isipin nila.
“Tora, anong ginagawa mo dyan?”
“Kyo?”
Sobrang erratic na ng heartbeat ko dahil narinig ko rin ‘yung boses ni Kyo. Mas mapanganib kung siya ang makakakita sa amin dito.
“May naramdaman kasi akong motion dito sa library,” sabi nung lalaki na halos isang metro na lang ata ang layo sa amin.
“Dito?”
“Teka. Baka naman ikaw ‘yun? Kanina ka pa ba naglalakad malapit sa library?”
“Oo.” Bigla namang naglakad ulit ‘yung Tora kaya lalo akong kinabahan pero it turns out na naglakad siya palayo sa amin.
“Langya! Ikaw lang pala! Akala ko may nagtatago dito sa library!”
“Ang sabihin mo, hindi mo lang magamit ng tama ‘yang sixth sense mo.”
“Siraulo! Teka, papunta ka rin ba sa Intel? Mukhang may mission tayo.”
“Oo. Nagsisimula na namang gumalaw ‘yung Shinigamis.”
Unti-unting nawala ‘yung mga boses nila at hindi pa rin ako humihinga hanggang sa hindi ko na talaga sila marinig. Binitawan naman ni Hideo ‘yung bibig ko kaya doon lang ako nakahinga nang maayos.
‘Are you okay?’
‘Yeah.’
Pero grabe ‘yung presence ng dalawang ‘yun. Pakiramdam ko kinuha nila lahat ng lakas ko. For sure, kasinglevel rin ni Kyo ‘yung Tora na ‘yun.
Tinulungan naman ako ni Hideo na tumayo habang hawak-hawak ko pa rin nang mahigpit ‘yung librong kinuha ko. I want to know the content of this book.
‘Let’s go.’
Sumunod naman ako sa kanya palabas ng library. Baka mamaya may pumasok na naman dito at tuluyan na kaming mahuli.
Habang naglalakad kami pabalik sa dorm ay nagtatago kami dahil baka may makakita sa amin. Then saka ko lang napansin na may hawak rin pala siyang libro. Teka, kelan niya kinuha ‘yun?
Nung nakarating na kami sa dorm ay agad-agad akong umakyat sa kwarto namin. Pumunta ako doon sa table at binuksan ko ulit ‘yung libro.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...