Pagbalik ko sa room namin bandang 4 :30 AM ay nakaabang sa loob sina Naomi at Akira. Nakita kong nakangiti nang nakakaloko si Akira at may pataas-taas pa siya ng kilay kaya alam kong may narinig na naman 'to.
"Hindi ka na namin tatanungin kung saan ka galing pero aalis na kami," sabi ni Akira habang nakatingin sa akin na parang nang-aasar.
Nakaready na ang mga gamit nila at mukhang hinintay lang nila akong bumalik para magpaalam. Nung palabas na sila ng room ay dumaan sila sa magkabilang gilid ko at halos sabay silang gumamit ng inner voice sa akin.
'Don't worry, your secret moments are safe with me,' sabi ni Akira.
'Pagbalik ko, we're going to talk about a lot of things.'
Sinarado nila ang pinto pagkalabas nila at naiwan ako doong nakatayo. Sa sobrang dami ng nangyari ay napahiga na lang ako sa kama at tumabi naman sa akin si Demi.
Of course, nabahala ako doon sa mga binalita ni Dana pero mas nabother ako sa mga salitang iniwan nina Hideo at Naomi. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin dahil masyadong vague. Pakiramdam ko, habang tumatagal ako sa lugar na 'to, mas lalo akong nahihirapang magsurvive at magtago. Lalo na ngayong may isang taong may alam na ng identity ko.
"Anong iniisip mo?" Nagulat ako nung may mukhang lumitaw sa taas ko kaya nahagis ko bigla 'yung card ko. Buti na lang at nasangga niya ng isang dagger kaya hindi dumiretso sa mukha niya.
"Michiko! Bakit ka nandito?!" Napabangon ako agad sa kama at medyo nainis ako dahil tinawanan niya lang ako. Nakita ko rin si Mayu na nakaupo doon na naghahanap ng libro sa shelves namin. "Kailan pa kayo nandyan? Teka paano kayo nakapasok?"
"Duh, kanina pa kami kumakatok. Pumasok na lang kami at ayan, lutang ka." Naalala ko naman na magsstay ang dalawang 'to dito sa dorm. Akala ko pa naman mag-isa lang ako ngayon.
Nilapitan naman ako ni Mayu at tumayo siya sa harapan ko habang hawak ang isang helme-like object. Bigla niyang sinuot 'yun sa ulo ko at bigla akong nagkaroon ng flashbacks tapos may pixels din akong nakikita sa harapan ko. Natakot ako sa pwedeng mabasa o makita nila kaya sinarado ko nang mahigpit ang isip ko at nung ginawa ko 'yun ay tumigil ang flashbacks na nakita ko.
"Hmm...as expected, your mind is inaccessible," sabay tanggal ni Mayu doon sa helmet.
"What is that?" turo ko naman doon.
"A prototype of my current project—Wavisual."
"Wavisual?"
"A gear that can convert brain waves to visual images. Mukhang marami pa akong modifications na kailangang gawin. But I think Hiroshi can continue this project in a few years."
Sobrang kinabahan ako sa sinabi niya. That was a close call. Kung nadisplay lahat ng nasa isip ko ay siguradong malala ang mangyayari. I'm glad I closed my mind immediately after I saw those pixels and flashbacks. Damn. Mayu's inventions are as problematic as her dad's. Pero teka, tama ba ang narinig ko? Si Hiroshi?
"What do you mean, Mayu? Si Hiroshi ang gagawa?"
"Well, he's already three and a half years old."
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...