Chapter 35

393K 13.4K 3.7K
                                    


Nahiga na lang ulit ako sa kama habang si Demi ay nasa tabi ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang, gusto ko nang bumalik sa base pero alam kong magagalit sina Mom and Dad kapag ginawa ko 'yun. Bigla ko tuloy silang naalala.


Sina Mom and Dad ang nagtrain sa akin simula nung five years old ako. Naaalala ko pa lahat ng sinabi nila sa akin para maging karapat-dapat na Royal shinigami.


"You shouldn't show your emotions during a fight," Mom said. Kahit bata pa lang ako ay sinanay na nila akong makipaglaban pero syempre, lagi akong natatalo sa kanila. Dahil bata lang ako noon, kitang-kita sa expressions ko ang sakit. Dahil ayaw kong madisappoint sila sa akin, natuto akong pigilin ang emosyon na nararamdaman ko tuwing makikipaglaban.


Hanggang sa magseven years old ako ay si Mom and nagtrain sa akin at after that ay hinarap ko si Dad. Akala ko ay tuturuan niya rin ako pero hindi ko akalaing kailangan ko pala siyang kalabanin. Isang segundo lang ata ang nakalipas ay hindi na ako makatayo at nagkaroon ako ng sugat sa braso.


"You're still too weak. What did you do for the last two years?" sabi niya sabay lakad palayo sa akin.


Gusto kong umiyak nung mga panahong 'yun pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala ko ang sinabi ni Mom nung una akong umiyak dahil sa pagkatalo ko sa kanya: "Losing a fight means you're weak, but crying after losing a battle means you're pathetic. Don't ever do that again."


After that, si Izumi—the Elite right hand of Mom—na ang nagtrain sa akin kasama na sina Kid, Dana at Keith. Kaya rin kami close sa isa't isa ay dahil sama-sama kaming lumaki at nagtraining. Si Izumi ang tumayong magulang namin simula nung bata kami.


Sa loob ng ilang taon ay ginawa ko ang lahat para maging malakas; para matalo ko si Dad. 'Yun ang naging goal ko sa buhay ko para i-acknowledge niya ako. Pero tuwing nagkakaroon kami ng laban para i-assess ang lakas ko ay lagi pa rin akong natatalo.


"Sabi na nga ba nandito ka," sabi ni Kid habang papalapit sa akin.

"How did you know?"

"This is my domain. Of course I would know,"sabay upo niya sa tabi ko.


Every time na natatalo ako o 'di kaya naman kailangan kong mag-isa ay pumupunta ako sa darkest areas ng Black Dimension dahil ayokong may makakita sa akin sa ganitong state. But Kid always see me like this. Pinunasan ko kaagad ang namumuong luha sa mga mata ko.


"I'm not crying, okay?" sabi ko kaagad tapos narinig ko ang mahinang tawa niya.

"I'm not even asking. Bakit ka defensive?"


Napakagat na lang ako sa labi ko dahil napahiya ako. Inaasar niya ako nang inasar hanggang sa napalitan na ng inis at tuwa ang feelings ko. Saka ko lang narealize na laging ganun ang ginagawa niya sa akin. Kapag nakikita niyang hindi ko na iniisip si Dad ay lalabas na kami sa Black Dimension at sasalubong sina Dana at Keith. Pagkatapos nun, ayos na ang pakiramdam ko.


Nagstart na rin si Mom na i-train si Rin and just like me, alam kong nahihirapan din siya. I want to help her but Mom said I shouldn't. Kaya naman hanggang tingin na lang ako sa training niya.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon