Chapter 39

358K 13.9K 4.6K
                                    


Hindi ako makapaniwala na nandito na naman sila. Sa loob ng isang linggo ay lagi na silang nakatambay dito sa kwarto namin dahil sa dalawang libro na kinuha namin ni Naomi sa library. Nakaupo kami ngayon sa lapag habang nakapalibot sa mga libro.


"Ang cool ng concept ng seventh sense pero hindi ko alam kung paano ginagawa," sabi ni Michiko habang nasa lap niya si Reina. Yes, pati 'yung tatlong bata ay nandito rin.

"Sa tingin ko, sinadyang hindi nilagay dito ang tamang paggamit nun dahil sa panganib din na pwedeng mangyari," dagdag naman ni Mitsuo. Ang cute lang ng itsura nila ni Hiroshi dahil nakasakay siya sa balikat niya. Para silang sina Hideo at Demi tignan.

"But at least, we know the concept." Bigla namang natawa si Michiko dahil pinipilit umakyat ni Hayate sa balikat ni Hideo. Mukhang nainggit siya kay Hiroshi. Pero ang mas nakakatawa ay nasa ulo niya rin si Demi. Mukha tuloy siyang pugad ng mga bata at hayop.


Narinig ko rin ang mahinhing pagtawa ni Mayu sa tabi ko at napansin kong ang saya niya ngayon. Siguro dahil na rin sa nakaraang linggo ay may katulong siya sa pag-aalaga ng mga bata.

Pinag-aralan namin ang buong libro at ang dami naming nalaman tungkol sa seventh sense, though malabo pa rin ang ibang parts. May ilang chapters na nag-enumerate ng Senshins who successfully executed the seventh sense, and from what we saw, most of them are from the Atama family.

I want to report this to Mom but I don't know how. Bukod sa lagi kong kasama ang mga 'to ay paniguradong under observation pa rin ako ni Kyo. Ayoko munang gumawa ng ikakapahamak ko pagkatapos niya akong macorner sa Black Dimension nung nakaraan.


"They're here," biglang sabi ni Hideo. Itatanong pa lang sana ni Michiko kung sino pero biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon.

"Sabi ko na nga ba! Naririnig ko ang mga boses niyo dito sa kwarto!" sigaw ni Akira habang hinihingal pa. Mukhang tumakbo ang isang 'to dahil sa sobrang excitement. Yes, I can see it in her eyes.

"Why do we need to run?" Nasa likuran naman niya si Naomi na mukhang napatakbo rin dahil kay Akira. Pero nung nakita niya si Mitsuo ay huminga siya nang malalim at kahit hindi halata sa expression niya ay alam kong medyo nagpanic siya.


Nag-ayos silang dalawa ng mga gamit nila and after that ay sumali na rin sila sa amin. Noong una ay seryoso pa ang mga usapan at tungkol pa sa seventh sense ang arguments namin pero habang tumatagal ay nagiging biruan na at asaran. Habang nagtatawanan kami ay hindi ko maiwasang mapaisip.

I shouldn't get too attached to them. This is just a mission and during a mission, you should set aside your feelings or you'll end up failing or worse, dead. Habang tumatagal ako rito, mas lalo lang akong naguguluhan. Sometimes, I feel too comfortable, I keep forgetting that I do not belong here. That I am not a Senshin.

That's why sometimes, I just want to get back to my own home. To my real home. To where I truly belong. Staying here made me confused and made me feel emotions I shouldn't feel in the first place. But right after my confrontation with Kyo, nagbago lahat 'yun.

Right now, I felt suffocated and cornered. Hindi na ako makatulog nang maayos dahil alam kong may nagmamanman sa akin at lahat ng nandito ay kalaban ko. I am not safe here.

'Are you okay?' Nagulat naman ako nung marinig ko ang boses ni Naomi sa isip ko. 'You look tired.'

Napabuntung-hininga ako at pinilit kong ngumiti dahil nagtatawanan pa rin silang lahat. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Hideo kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon