Chapter 18

446K 14.5K 2.2K
                                    

“Sorry Akemi, but I’m going to win.”

“Not a chance.”

Pinosition ko kaagad ‘yung staff ko habang nagsummon naman si Michiko ng dual sword. Kahit ilang beses ko nang nakikita ‘yung pagsa-summon niya ay namamangha pa rin ako. I wish I could do that para hindi ko na kailangang hawakan lagi ang weapons ko.

Staff ang napili kong weapon bukod sa cards ko dahil madali lang gamitin. Pero mukhang mahihirapan ako pagdating kay Michiko dahil papalit-palit ‘yung weapons niya.

Bigla naman niya akong sinugod kaya winield ko kaagad ‘yung staff at sinangga ko ‘yung swords niya. Good thing is, metal ang staff ko kaya hindi nadamage. Tumalon ako at inapakan ko ‘yung isang sword niya tsaka ako nagpaikut-ikot sa ere. Then I grabbed my cards and threw it to her. She immediately swapped her swords to a whip and she slashed my cards. Bago ako makatapak ulit sa sahig ay bumalik ulit sa mga kamay ko ang cards ko.

“Time’s up.”

Napahinto naman kami pareho ni Michiko nung sinabi ‘yun ni Kyo. Tsk. Bakit kasi fifteen seconds lang ang limit namin? Sobrang hirap kayang matalo ng mga ‘to within fifteen seconds! Nakapaglaban na lahat ng possible pairs pero wala pa ring natalo sa amin kahit isa. Eh ano bang attack ang magagawa namin within fifteen seconds na makakapagpabagsak sa kanila, ‘di ba? At hindi na rin naman kami makakapag-isip ng major attacks kapag nasa laban na since katawan mo na lang mismo ang gumagalaw.

“Hangga’t hindi niyo kayang pabagsakin ang kalaban ninyo sa loob ng fifteen seconds ay ganito lang ang gagawin natin buong linggo. Okay, dismissed.”

Napaupo ako sa sobrang pagod nung umalis na si Kyo sa harapan namin. He’s really a Spartan. Lagi niya na lang kaming pinapahirapan. No wonder hirap na hirap sina Dad na pabagsakin ang isang ‘to.

Nagpahinga kami ng ilang minuto doon sa room bago umuwi sa dorm. Sobrang naubos ang energy ko sa sparring naming lahat kahit tigfi-fifteen seconds lang ‘yun. Pero sina Hideo at Mitsuo, hindi sila hinihingal kundi pinagpapawisan lang. Mukhang sila talaga ang mga sanay sa combat. Bigla tuloy akong nacurious sa background ni Mitsuo. Ano kayang ginagawa niya bago siya napunta rito sa school na ‘to?

Nung nakabalik kami ng dorm ay nagshower muna kami then nagpahinga. As usual, magkasama ulit na umalis sina Michiko at Mayu para sa summoning project ng Technology department. Habang kaming tatlo ay nandito sa may kama.

Pumunta naman agad ako sa closet at nilabas ko ‘yung librong nakuha ni Demi sa restricted section nung nakaraan. Napagdesisyunan kong kailangan ko ang tulong nila kung gusto kong malaman ang secrets sa librong ‘to. Sila ang mas nakakaintindi nito at para na rin hindi ako magcause ng suspicion.

“Hey. Pwede bang tulungan niyo ko?” sabi ko nung nasa kama na ako at napatingin naman agad sila. Pati si Demi ay nakisali sa amin at pumwesto sa pagitan namin ni Naomi.

“Ano ‘yan?” sabay turo ni Akira sa librong hawak ko.

Beyond the Sixth Sense. Nakuha ko sa restricted section,” tapos nilapag ko ‘yun sa harapan.

“Pumunta ka sa restricted section ng library? You broke the library rules,” sabi sa akin ni Naomi.

“Duh? Rules are meant to be broken.”

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon