Chapter 59

303K 12.3K 6K
                                    


Tahimik lang ako habang nakaalalay si Kid sa akin sa paglalakad. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang pag-iyak ng anak ko at ang paghingal ko. Iniisip ko pa rin sina Keith at Dana na iniwan namin para lang mabigyan ako ng oras na tumakas mula rito. Maging si Sarah na ngayon ay galit sa akin at handa akong pigilan. Nakakalungkot lang na ito na ang huling beses na makikita ko sila...

Huling beses...

Hah. Maging ang isip ko, alam na ang magiging kapalaran ko.


"Gusto mo bang ako muna ang humawak sa kanya?" Napahinto naman ako sa paglalakad at napansin kong huminto rin si Kid. Nakatingin siya sa akin at sa batang hawak ko pero ngumiti lang ako sa kanya.

"No need, Kid. Besides, I want to hold her until...until we reach that place."


Tumango naman si Kid at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang beses din akong lumingon sa likuran ko dahil umaasa ako na makikita kong nakasunod sa amin sina Dana at Keith. Pero wala. Kahit ilang beses akong lumingon, walang nakasunod. Wala sila.


"Don't worry about them," biglang sabi ni Kid at napatingin na lang ako sa likod niya habang naglalakad. "They're strong."


Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa mga salita niya at tumango ako. He's right. They are strong and I'm sure they'll survive. After all, they have a reason to live.

Nagulat naman ako nung biglang humawak si Kid sa braso ko at hinatak niya ako. Bumilis ang paglalakad niya at halos hindi na ako makasabay sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang anak ko dahil natatakot akong mabitawan o malaglag siya pero lalo akong natakot nung hindi ko na maramdaman ang kamay ko.


"Let's step up our pace," he said and I can feel his nervousness.

"Why?"

"Someone's after us." Lilingon sana ako pero hinatak niya ulit ang braso ko. "Don't look. Just move forward."


Sinunod ko siya at halos tumatakbo na kami. Napapikit na lang ako dahil nararamdaman ko na naman ang sakit ng buong katawan ko. Hingal na hingal na ako pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Gusto kong makarating kung nasaan si Hideo. Gusto ko siyang makita.


"Shit," bulong ni Kid at bigla siyang tumigil sa pagtakbo. "We can't outrun them."


Pinakiramdaman ko ang paligid at tumaas ang tension. Humarap kaming dalawa ni Kid sa likuran at naririnig ko mula rito ang paglalakad ng maraming paa. Hinawakan ko nang mahigpit ang anak ko habang pigil ang hininga ko sa paghihintay sa kung sinumang darating.


"Rielle, sorry but I think you need to leave this place alone," sabi ni Kid at magkahalong pagkalito at takot ang naramdaman ko.

"Kid..."

"Don't worry. There's only 200 meters left. Open the Black Dimension when you reach that and you'll be at the forest."


Napanganga ako nung marinig ko 'yun. So we finally reached the forest. I can finally see them. I will see him. Pero hindi ko makuhang maging masaya lalo na't may iiwan na naman akong importante sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil ayaw kong iwan si Kid gaya ng ginawa ko kina Keith at Dana.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon