Chapter 37

413K 14.3K 5K
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas after that incident. Nung 10 AM that same day ay pumunta kami sa PE room at nagtraining. I tried to focus pero mas lalo akong nadidistract sa mga presence ni Kyo at Hideo. Damn those two.


"Buti nakakatulog ka na," sabi ni Naomi habang nag-aayos ng gamit.

"Yeah. Though inaabot ako ng madaling-araw para pilitin ang sarili ko na matulog."

"Dami mo kasing iniisip!" sigaw naman ni Akira na kalalabas lang ng banyo. Napahigpit tuloy ako bigla sa pagsara ng isip ko kaya saglit akong nahilo.

"Hindi ah."

"Hah! I told you, don't underestimate my ears," sabay turo niya pa sa tenga niya.

"Tsismosa ka lang," I said as I roll my eyes. Tsk. Laking problema talaga ng sixth sense niya.

"Wala ka bang balak umuwi, Akemi?" tanong naman ni Naomi.

"Magsstay muna ako ng ilang days."


Hindi ko akalaing natapos na ang isang school year dito. Ni hindi ko man lang namalayan na seven months na ang nakakalipas simula nung pumasok ako rito. Akala ko nasa three or four months pa lang dahil ang konti lang ng nakuha kong information.

Maaga ang end ng school year dito sabi ni Akira dahil ang natitirang two and a half months ay ilalaan for Fielding alone. That means halos lahat ng estudyante ay sasabak sa mundo ng mga humdrum. Pero bago 'yun ay may two-week vacation kami para makapaghanda for the Fielding.

Uuwi sina Akira at Naomi bukas ng madaling-araw kaya naman simula bukas ay ako lang mag-isa rito sa room. Sina Michiko at Mayu naman ay magsstay since nasa Teacher's Village lang ang bahay ni Mayu at si Michiko naman ay nasa gitna pa rin ng pagiging test subject for weapon summoning or teleportation.


"So, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Akira habang nakaupo sa kama. Nilabas naman kaagad ni Naomi ang pamaypay niya at nagsmirk siya sa aming dalawa.

"How about some training?"


***

"Heh. Never thought that a three-way battle would be this hard!" sigaw ni Akira habang hawak ang whip niya mula sa puno kung saan niya nagtatago.

"Of course. All of our weapons are not for short-range attacks," sabi naman ni Naomi na hawak ang pamaypay niya sa taas din ng isang puno.

"But I have the biggest advantage," I said while smirking and I threw my cards on their direction with my full power.


I saw the trees where they stood a while ago collapsed, cut into halves by my cards. Kinilabutan ako and at the same time ay naexcite. That old man Aiwa really did modify my cards. At magandang training ground din ang gubat dahil sa strategic locations and attacks na pwedeng magawa.


"Whoa! Whoa! Damn that was dangerous! Hoy Akemi, masyado kang seryoso!" sigaw ni Akira mula sa punong nilipatan niya.

"Be careful—"


Hindi na naituloy ni Naomi ang sasabihin niya sa akin at natahimik din si Akira dahil alam kong naramdaman nila 'yun. Napangiti ako.

After that hopeless fight with Kyo, I am now itching to fight these two. And my thirst for fighting intensifies because I know that their abilities are on par with me. After all, they are from the Atama family.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon