Chapter 8

432K 15.9K 3.7K
                                    

“Sir! Wala pong natagpuang susi sa damit ng biktima,” sabi nung isang pulis.

So pwede ngang pera ang motibo ng crime.

“Maybe the murderer got the key after killing her,” sabi ni Naomi.

Hindi pa rin namin alam kung sino ang killer pero mukhang may theories na ‘tong mga kasama ko. Well, what do I expect? Lagi silang nagsosolve ng crimes at siguro ay sisiw lang sa kanila ‘to.

But damn. That humdrum detective is getting on my nerves. Kanina pa siya nagbibigay ng side comments at akala mo ay alam na niya ang nangyayari. Kung pwede lang siyang sugurin at patayin, kanina ko pa ginawa!

“Wait, hindi kaya nasa killer pa ‘yung susi ng vault?” tanong ni Michiko.

“The killer must be stupid if he brings an evidence at the crime scene,” sabi naman ni Akira.

“Oh. Mukhang naisip na rin ‘yun nung detective.” Napatayo naman si Michiko at mukhang tama nga siya. Kinakapkapan na ng mga pulis ‘yung suspects ayon sa pag-uutos nung detective na ‘yun.

Tsk. Why do I have to do this? Imbes na hinahanap ko ‘yung librong ‘yun, kailangan ko pang magsolve ng crime na gawa ng humdrums. I want to end this mission as soon as possible dahil nasesense ko na mahihirapan akong kumilos kapag lagi ko nang kasama ang mga ‘to.

“Ate...”

Napatingin naman ako bigla doon sa babae na lumapit sa bangkay. Sa pagkakaalala ko, siya ‘yung younger sister ng biktima. Umiiyak siya ngayon doon sa harapan ng ate niya. Ewan ko pero parang may kung ano sa loob ko na bumigat. Napaisip tuloy ako...

Will Rin cry for me if I die?

Hindi ko alam kung maaayos ko pa ba ‘yung relationship namin pero nakakalungkot lang na dahil sa akin kaya siya nagkakaganun. Pero alam ko rin na hindi family ang priority namin. Mga bata pa lang kami, ‘yun na ang sinasabi sa amin nina Mom and Dad. If someone is in your way, even if it’s your friend, lover or family, you should kill them and move forward. And of course, you should only trust yourself.

“Sinong...sinong makakagawa nito? Bakit...” Iyak lang siya nang iyak sa harapan nung bangkay kaya inalalayan na siya nung isang pulis.

“April...” Pati ‘yung fiance ay halata namang nagpipigil rin ng iyak dahil nanunubig na ‘yung mga mata niya.

“Bakit kaya ang tahimik nung employee? She’s suspicious,” biglang sabi ni Akira.

“Oo nga eh. May tinatago kaya siya?” dagdag naman ni Michiko.

Binasa ko naman ulit ‘yung autopsy report dahil naguguluhan na rin ako sa clues at statements ng suspects habang ‘yung iba ay pinapanood pa rin ‘yung interrogation.

After a few minutes ay naggather ulit kami doon sa table at mukhang may mga hypothesis na sila, samantalang ako ay wala.

“Ito ‘yung mga nakuha nating info,” sabay lapag ni Mayu sa isang papel na mukhang inencode niya. “They all have motives to kill her. ‘Yung kapatid niya pala ay matagal nang gustong magtrabaho dito sa bangko pero ayaw siyang payagan ng ate niya kaya napilitan siyang sa iba magtrabaho though hindi ko alam kung bakit. ‘Yung fiance naman niya ay mukhang pineperahan lang siya, ayon na rin sa employees dito. Then ‘yung isang employee ay under ng management ni April at hindi sila magkasundo dahil lagi raw siyang pinapagalitan ni April.”

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon