Tell me, what did you do to me?
Dahil nakatulog na ako ng ilang oras ay hindi na ako makatulog ngayon. Ang malala pa, naaalala ko ang nangyari kanina. Buti na lang talaga at dumating si Yuuki sa room kaya umalis si Hideo. Pero napansin ko na nag-blush si Yuuki at alam kong may kakaiba siyang naisip sa naabutan niya. Gusto ko sanang liwanagin 'yun pero hindi ko na ginawa dahil hindi ko naman na siya ulit makikita.
Yes, I'm planning to leave this place.
Masyado nang nakakasakal ang pag-stay ko rito. Sa lahat ng pwedeng makaalam ng pagkatao ko, sina Kyo at Hideo pa. Kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa lugar na 'to, mas mahihirapan lang ako.
Nung wala na akong maramdaman na presence malapit sa kwarto na 'to ay agad akong tumayo at inayos ko ang cards sa bulsa ko. Kailangan ko munang bumalik sa dorm para kunin ang dalawang libro dahil 'yun naman talaga ang unang pakay ko sa lugar na 'to.
Lumabas ako sa kwarto at naglakad papunta sa dorm. Nung nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto namin ay dahan-dahan akong pumasok. Naabutan ko sina Akira at Naomi na tulog kaya nakahinga ako nang maluwag. I don't want them to see me leaving.
Sinuot ko ang cloak ko at kinuha ko ang dalawang libro na naglalaman ng information about seventh sense. Bigla namang lumapit si Demi sa akin at tumalon papunta sa balikat ko. She purred but it sounded like a baby's cry.
"We're going home, Demi." Pagkasabi ko nun ay pumasok siya sa loob ng cloak ko at doon din siya pumwesto sa bandang balikat. After that ay hindi na ulit siya nag-ingay.
Naglakad ako palabas sa kwarto pero lumingon muna ako kina Akira at Naomi. Matinding pagpilit pa sa sarili ang ginawa ko para lumabas. Nung makalabas ako ay napatingin din ako sa kwarto nina Michiko at Mayu. Somehow, bumigat ang pakiramdam ko.
And then I realized, a part of me wants to stay here. To stay with them. But I can't. I shouldn't.
This is my fault. I allowed myself to be comfortable with them. Nagkaroon ako ng connection sa kanila and that's one of the things Mom reminded me about. Naaalala ko pa ang sinabi niya bago ibigay ang mission na 'to sa akin.
"Make them trust you and then betray them. Use them to get information but don't get too close or you'll be vulnerable to those petty emotions that can cause failure."
Nung una, I thought that was absurd. I mean, how can I allow myself to become close with our archenemy? I even feel repulsed when I first entered this place at gusto kong saktan at patayin lahat ng nakikita kong Senshin. But these past few months, kailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na hindi nila ako kauri.
I am a Shinigami. I do not belong here. And the only way to leave this place is to set aside these lingering emotions and betray them.
Naglakad ako papunta sa gubat at ang tanging iniisip ko lang ay ang pag-uwi ko. Masyado na akong nagtagal sa lugar na 'to at kapag mas lalo pang tumagal, baka mas lalo lang akong maguluhan.
Pumunta kami ni Demi sa right side ng gubat hanggang sa makarating kami sa parang grassland. Dahil malayo na 'to sa campus ay hindi kaagad madedetect ang pag-open ng Black Dimension. I was about to open it when I felt a tremendous presence behind me.
"You're...really leaving..."
I looked at Hideo while he's catching his breath. Mukhang tumakbo siya papunta rito. Akala ko ay magpapanic ako kapag may nakakita sa akin pero kalmado lang ako ngayon, unlike nung nandun kami sa may Medical department.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...