Chapter 13

437K 15.1K 3.6K
                                    

***

“Saan ka pupunta?”

“Bakit? Sasama ka?”

Hindi naman siya kaagad nakasagot. Kailangan ko munang tanggalin ‘yung suspicion niya sa akin and at the same time, kailangan ko ring maging aggressive. Napansin ko naman na naka-all black siya. Siguro para hindi rin siya masyadong mapansin.

Bakit ba kasi lagi akong nahuhuli nito...oh wait. His sixth sense! Kainis! Bakit kasi hindi pa siya natutulog? Damn him and his sixth sense!

“You’re acting suspicious,” sabi niya sa akin.

“You too. Bakit mo ba ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?” sabay taas ko ng mukha ko para hindi niya mahalatang nagpapanic na ako sa loob-loob ko.

“I’m on my way to the library, then I saw you walking.” Tinaas niya ‘yung kamay niya at may hawak siyang libro. ‘Yun ba ‘yung kinuha niya sa library last time?

“Oh eh ‘di pumunta ka na sa library.”

Tinalikuran ko siya at naglakad ulit na parang walang nangyari pero narinig ko ‘yung footsteps niya na papalapit sa akin. Ugh! Paano ko ba tatakasan ang isang ‘to? Sobrang hirap gumalaw sa school na ‘to!

Bigla ko namang naalala ‘yung sinabi ni Naomi kanina kung bakit umaalis minsan si Akira. Hmm. Might as well use that as an excuse.

“Pupunta ka sa gubat? Alam mo bang bawal pumunta doon ng ganitong oras?”

“Alam ko.” Patuloy pa rin akong naglalakad at hindi ko siya nililingon.

“Then why?”

“Because I can break the rules,” sabay hinto ko sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

“Are you an idiot?”

Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko pero mas lalo lang akong nainis nung nakita ko ‘yung ‘deadface’ niya. Paano niya nagawang sabihin sa akin ‘yun ng wala man lang ka-expre-expression?

“Ang sinasabi ko lang, Mr. Genius, hindi ako takot sa punishments dahil confident ako sa kakayahan kong makatakas sa ganun. I am not a coward like you na nirerestrict ang sarili sa rules ng school na ‘to,” then I gave him a sarcastic smile.

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinatak ‘yung braso ko at nagbago ‘yung tingin niya. Did I provoke him too much?

“What did you say? Coward?”

“B-bakit? Hindi ba?” First time ko lang siya nakitang ganito kaseryoso kaya kinabahan ako bigla. Nagsink-in sa utak ko na nasa danger ako kaya parang kusang kumilos ang mga kamay ko at inabot ko ‘yung cards sa bulsa ko.

I threw one at his face pero naiwasan niya at nasalo pa ng kamay niya. Lalo akong kinabahan dahil nag-initiate ako ng attack and I failed. Siguradong iniisip niya nang gumanti.

“Scared?” then bigla siyang nagsmirk. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsabi niya ng scared o sa ngiti niya kaya ko biglang sinipa ‘yung binti niya. Akala ko napuruhan ko na siya dahil biglang lumuwag ‘yung hawak niya sa braso ko pero nagulat ako nung biglang hinook niya ‘yung binti niya sa binti ko at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon