Chapter 32

423K 14K 2K
                                    


Nakasakay na kami ngayon kay Miyu at pauwi sa dorm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig at nakita ko kanina. Hindi ko nga alam kung bakit biglang dumating si Kyo. After niyang sabihin sa amin ang tungkol sa syndicate na 'yun pati na ang Custos, sumama siya sa mga police officers at pumunta sa station para magreport.


"So you mean 'yung lalaki sa park ang pumatay doon kay Romeo habang nasa cubicle siya?" tanong ni Akira kay Hideo at tumango naman siya.

"Yes but that case was reagarded as suicide," sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya. Nilagay niya 'yun sa harapan namin at tinignan namin kung anong nakasulat doon.

"Bank account?" sabay kuha ni Michiko doon.

"He embezzled money from that syndicate and used it to build those three infrastructure under his name."

"But I wonder who's the Custos agent na nagdisguise as police officer. Ni hindi man lang natin nadetect ang presence niya," sabi ni Naomi.

"I felt her presence but I thought she's one of those Senshin police officers." Napatingin kami kay Mitsuo dahil sa sinabi niya. Dahil magkatabi sila ni Naomi ay nilapitan siya ni Naomi at sinamaan ng tingin.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

"Akala ko nga isa siya sa police officers. Hindi ko naman sila kilala sa mukha." Napabuntung-hininga na lang si Naomi at nagkatinginan kami ni Mitsuo.


I knew it. Sabi na nga ba may kakaiba kanina doon sa crime scene and just like Mitsuo, inassume ko na isa rin 'yun sa police officers. Pero hindi ako nagreact dahil naalala ko bigla 'yung sinabi ni Kyo.


"Mabalik tayo doon sa case, does that mean nalaman ng syndicate na ginamit ng Mayor ang pera nila para sa pagpapatayo ng infrastructures kaya pinatay siya at pinasabog ang mga 'yun?" tanong ni Mayu.

"Probably. At malayo ang mga 'yun sa Mayor's office kaya ginamit nila ang panahong 'yun para patayin siya dahil paniguradong nasa bombs ang focus ng mga pulis." After sabihin 'yun ni Hideo ay kinuha niya ulit mula kay Michiko 'yung bank account.

"So they want to erase these infrastructures dahil nakapangalan 'yun sa Mayor kahit na pera nila ang ginamit. What a way to waste their money pati na rin 'yung effort sa pagpapatayo ng mga 'yun," dagdag ni Michiko.


After a few minutes ay nakabalik din kami sa campus at dumiretso agad kami sa dorm. Pero bago kami makapasok ay humarap si Hideo sa amin.


"Magpahinga na kayong dalawa," sabay tingin niya sa amin ni Naomi. "Your injuries aren't completely healed yet."


Tumango na lang kami at dumiretso na silang dalawa ni Mitsuo sa guy's dorm samantalang kaming lima ay umakyat papunta sa mga kwarto namin.

Pagbukas ko ng pinto ay tumalon bigla sa akin si Demi. Nagulat pa nga sina Akira at Naomi kaya natawa ako. Pagpasok namin sa loob ay humiga agad silang dalawa sa kama. Pinahinga kaagad ni Naomi ang binti niya at may pinahid siyang ointment. Umupo naman ako sa gilid ng kama at binaba ko muna si Demi. Tinanggal ko 'yung benda sa paa ko at inikut-ikot ko dahil baka madagdagan ang stress doon.


Naalala ko naman bigla 'yung papel na tinago ko sa bulsa ko kanina na galing kay Demi. Pumunta muna akong banyo at doon ko tinignan ang nakasulat.


Rielle, are you okay? I've received your letter and I know that your situation right now is pretty risky. Idagdag pa na nakakulong si Kid. You two are really the epitome of trouble. - Dana/Haruka

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon