Chapter 30

408K 14K 2.4K
                                    


Lumapit ako kay Hideo at umupo ako sa tabi niya habang iniinspect 'yung bangkay. Hawak-hawak niya 'yung wrist nung lalaki at nakatingin kami pareho sa black sun tattoo na nakalagay doon. Tumayo naman siya bigla at nakita ko 'yung isang Senshin police na pumasok dito sa CR.

"Pakidala ang suspects pabalik sa room," sabi niya doon sa police at nagnod siya kay Hideo tapos tumingin siya doon sa natirang suspects na pare-parehong nakatingin sa bangkay. "And I don't want any of you wandering around."

Dahil sa tono ng pananalita niya ay naging stiff 'yung suspects, maging ako. Kahit na mas matanda sila sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang authority sa boses niya. Inassist ng mga pulis ang suspects palabas ng banyo. Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"What?"

"At ikaw, 'wag kang basta-basta pumapasok sa CR ng mga lalaki."

"Duh? May narinig akong putok ng baril at pagsigaw dito, syempre pupunta ako."

Napailing naman siya sa sinabi ko. Ano bang problema nito?

Bigla naman kaming may narinig na footsteps at pagtingin ko sa pintuan ay pumasok sina Naomi at Mitsuo. Dumiretso agad sila sa direksyon namin at tinignan ang bangkay.

"What happened?" tanong ni Naomi.

"May narinig akong pagputok at sigaw sa loob ng CR kaya tumakbo ako sa loob at kinatok ko 'yung cubicle pero nung hindi binubuksan ay pumasok ako sa katabi tapos nakita ko na patay na siya,"sabi ni Hideo.

"Right under our noses," bulong ni Mitsuo.

Tama siya. Ang lakas ng loob ng gumawa nito. Pinatay niya ang lalaking 'to kahit na napakaraming pulis sa lugar. Naalala ko naman bigla 'yung aninong nakita ko sa bintana ng girl's CR.

"Actually, may nakita akong anino sa labas mula sa CR ng girls." Pagkasabi ko nun ay napatingin silang tatlo sa akin.

"What do you mean?" Tumayo naman si Hideo at hinarap ako.

"Parang may tumakbo doon sa labas papunta rito. And right after makita ko 'yung anino ay narinig ko ang sigaw at putok ng baril kaya nagmadali akong pumunta rito."

Ininspect naman nina Mitsuo at Naomi 'yung bangkay at nakita rin nila 'yung black sun tattoo sa wrist nung lalaki. Tinanggal din ni Mitsuo 'yung baril mula sa kamay nung bangkay at maingat na nilagay sa isang sealed plastic.

"Bibigay ko muna 'to sa forensic team. Baka may makitang fingerprints," sabay alis niya doon.

"I think this is not a suicide," sabi ni Naomi. "Kahit na may burn mark sa sentido niya at kung sakali mang may makitang fingerprints doon sa baril ay masasabi kong 'di pa rin 'to suicide."

"Sa tingin ko rin," dagdag ko naman. "Why would he shout while killing himself? And the shadow outside was too suspicious."

"And don't forget their tattoos. The Mayor, this guy, and the guy at the park...they have the same tattoo-the black sun symbol," sabi naman ni Hideo.

May mga pumunta ulit na pulis dito sa cubicle at inasikaso nila 'yung bangkay. Kami naman ay bumalik doon sa room at pagdating namin ay nakaupo 'yung apat doon sa gilid. Sina Michiko at Akira ay nasa kabilang gilid. Pagdating namin doon sa kanila ay sinabi nilang lumabas sina Mayu at Mitsuo para i-analyse 'yung baril kasama ng forensic team.

"May ginawa ba silang kakaiba habang wala kami?" tanong ni Hideo kina Akira at Michiko.

"Wala naman. Pagkabalik nila galing sa CR ay dumiretso sila sa upuan nila," sagot ni Michiko.

"I've heard everything from here. That guy has the same tattoo right? Hindi kaya serial murder 'to? Hindi kaya may susunod pang patayin?" sabi naman ni Akira habang nakatingin sa apat pang suspects.

Tumahimik kami after that dahil hindi rin namin alam kung anong susunod na mangyayari. Tumingin na lang din ako sa apat pero iniiwasan nilang tumingin sa direksyon namin at sa direksyon ng mga pulis. Sinabi rin sa amin nung Senshin police lahat ng information na nakalap nila mula sa suspects.

'Yung babaeng umiiyak kanina na sinamahan ko sa CR ay si Sally Tolentino, secretary ng Mayor. Nung panahong pinatay ang Mayor sa office niya ay nandito siya sa kwartong 'to para kunin ang files na kailangang pirmahan. Siya rin ang unang tumakbo papunta sa Mayor's office dahil sa putok ng baril na narinig niya kaya siya rin ang unang nakakita sa bangkay.

Si Wella Asuncion naman ang isa pang babae at siya ang head ng isang office sa floor na 'to. Pansin kong tingin siya nang tingin sa relo niya, 'yun pala ay habit niya iyon dahil na rin sa work niya. Siya ang nagmamanage ng meetings at agenda ng mga tao rito sa munisipyo. Nung nakarinig daw siya ng putok ng baril ay agad siyang pumunta rito sa office.

Henry Santos naman ang pangalan nung nakasalamin na nanginginig. Kasalukuyan daw siyang nandito sa floor na 'to dahil sa papeles na ibibigay niya sana kay Sally at saktong narinig niya ang putok ng baril at pagsigaw ni Sally kaya nagmadali siya sa Mayor's office. Naabutan niya doon ang duguang katawan ng Mayor at siya rin ang pangalawang nakakita sa bangkay. Ang sabi niya sa mga pulis ay may phobia raw siya sa dugo kaya siya nanginginig. Pinainom siya ng pampakalma kanina pero hindi rin umepekto dahil naman sa nangyari sa CR.

Ang last ay si Gino Natividad. Kinakagat-kagat niya ang kuko niya ngayon at mukhang mannerism niya 'yun kapag kinakabahan. Siya ang panga-apat na nakakita doon sa bangkay. Ang sabi niya ay nung narinig niya ang sunud-sunod na pagputok ng baril ay napatakbo siya papunta sa office. Pero ang kakaibang sinabi niya ay tungkol sa putok ng baril. Ang sabi niya, after ng isang putok ay tumigil muna ng one or two seconds. Tapos saka lang pinaputok ng tatlo pang beses.

'Yung namatay naman sa CR ay si Romeo Quezon. Siya ang huling nakakita ng bangkay. At dahil nga sa nangyari kanina ay hindi na nahingi ang statement niya. Ang sabi ni Gino ay seryoso lang ang expression ni Romeo noong makita niya ang bangkay at hindi na siya nagsalita ulit.

"So ang pagkakasunud-sunod nila ay-Sally, Henry, Wella, Gino and Romeo. At nung nag-CR silang lima ay doon naman namatay si Romeo," pagsusummarize ni Naomi.

"Hey." Napatingin naman kami sa pintuan at sabay na pumasok sina Mayu at Mitsuo. Umupo sila sa tabi namin at may inabot si Mayu na papel.

"Ako na ang nag-analyse sa baril. They are too busy about the autopsy," sabi ni Mayu. Tss. Those humdrums.

Sinabi namin sa kanila 'yung information na nakalap namin at after that ay nakatingin lang sa kabilang pintuan si Mitsuo. Tinanong naman namin si Mayu tungkol doon sa baril. Ayon sa analysis ni Mayu ay fingerprints ni Romeo ang nasa baril. Doon naman sa baril na ginamit sa Mayor ay walang fingerprints na nadetect.

"Romeo's fingerprints? Teka, suicide?" tanong ni Akira.

"Pero paano siya nagkaroon ng baril? Nung kinapkapan sila kanina ay wala namang nakuha sa kanya ang mga pulis," dagdag ni Michiko.

"Do you think he hid the gun inside the cubicle?" tanong ko. Kasi kung wala sa katawan niya, that means nasa CR 'yun. Siguro kaya rin siya nagpunta sa CR during that time.

"And the bombs...anong kinalaman nun sa kasong 'to?" This time, si Naomi naman ang nagtanong.

Sabay-sabay naman kaming napatingin nung napatayo bigla si Mitsuo at Hideo. Dumiretso si Mitsuo doon sa kabilang pintuan. Dalawa kasi ang pinto rito pero doon lang kami sa left side na pinto pumapasok at lumalabas. Si Hideo naman ay lumabas din sa kwarto.

Tumayo kaming dalawa ni Naomi at nagpaiwan 'yung tatlo para magbantay. Sumunod kami sa kanilang dalawa at nag-end sila pareho sa Mayor's office. Pagdating namin doon ay may hawak na papeles si Hideo habang si Mitsuo ay nakasandal sa pader.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong kaagad ni Naomi.

"We know who the killer is," sabi ni Hideo at saka siya ngumiti.

"And we know how the killer did it," dagdag ni Mitsuo.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang isa si Mitsuo sa unang makakadiscover ng nangyari. Mukhang si Naomi rin ay nagulat dahil hindi ko maexplain ang facial expression niya.

But seriously, alam na nila?


***

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon