Chapter 6

491K 16.5K 3.7K
                                    

***

“Kailangan pa ng autopsy report para malaman natin ang time of death,” sabi ng isang pulis sa may gilid. Halata namang humdrum siya dahil sa mga kinikilos niya.

“Heh, no need for us,” bulong naman ni Michiko sa amin.

Naglabas bigla si Mayu ng parang laser something at iniscan niya ‘yung bangkay gamit ‘yun. After that ay tumayo siya at lumabas muna ng bangko habang sinusundan ko siya ng tingin.

“Miyu can do that job. Mas mabilis pa siya magprocess ng kalagayan ng bangkay kesa sa autopsy process ng humdrums,” dagdag naman ni Akira.

Awesome. That vehicle is really awesome. Paano sila nakakagawa ng ganun? Ngayon ko lang naappreciate ang pagiging Legendary Mechanic ng Aiwa na ‘yun. Kaya pala gustung-gusto siyang patayin nina Dad ay dahil sa skills niya.

Tinignan ko naman ulit ‘yung babaeng bangkay sa harapan namin. Sa likod ang tama niya pero hindi siya nakadapa kundi nakaharap. Gumalaw ba siya nung tinamaan siya? Tsk. Pero nakakainis kung sino mang gumawa nito. Ang dumi ng pagkakagawa niya. Humdrums are really pathetic.

Bigla namang sumeryoso ‘yung mukha ni Akira. Ang weird talaga na makita siyang seryoso. Hindi ako sanay.

“April dela Rosa, 28 years old. General Manager ng bank. Nakita ang bangkay kaninang 7:45 AM ng body guard. Disabled ang CCTVs kagabi kaya walang footage na nakuha at ‘di pa rin alam ang time of death. Ang cause of death ay tama ng bala sa likod and loss of blood. Finished,” sabay grin niya sa amin ni Mitsuo.

How the heck did she know all of those?!

Mukhang nabasa niya ‘yung reaksyon ko kaya umakbay siya sa akin pati na rin kay Mitsuo.

“I heard them from the humdrum police officers. Habang nagsasalita sila doon sa may gilid, sinasabi ko sa inyo ‘yung pinag-uusapan nila. Galing ko ‘no?” tsaka siya tumawa.

“Stop showing off, Akira,” sabi naman ni Hideo sa kanya.

Tsaka ko naman naalala ‘yung sinabi niya kanina. Oo nga pala. Her sixth sense is that she can hear everything within an 800-meter radius.

“Wait, don’t touch her,” biglang sabi naman ni Naomi. Pagtingin ko, gusto pa lang hawakan ni Mitsuo ‘yung bangkay. “Michiko,” sabay tingin niya kay Michiko.

“Roger!” then the next thing I knew, bigla na lang may lumitaw na gloves sa kamay niya at binigay niya ‘yun kay Mitsuo. “Oh ito, gamitin mo. Wag na ‘wag kang hahawak ng bangkay with bare hands. Baka makuha nila ang fingerprints natin. You know, kakaiba ang katawan natin kaya siguradong magsususpect ang humdrum community.”

Of course. Kaya nga kapag pumapatay kami, wala kaming iniiwang ebidensya. Unlike sa crimes na ginagawa ng humdrums, sobrang dumi.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Bakit biglang may hawak na si Michiko na gloves? Saan niya ‘yun nakuha?

“How the hell did you do that?” tanong ni Mitsuo sa kanya.

“That’s my sixth sense. I can summon everything I touched before.”

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon