Kaya kong hindi matulog sa loob ng tatlong araw or around 72 hours pero dahil sa lalaking 'to ay nakakaramdam na rin tuloy ako ng antok. Pati si Demi natulog na rin sa tabi niya. Pupunta-punta pa kasi rito, matutulog lang din naman pala. Teka, mas maganda pala 'yun para walang istorbo.
Parang dati, ang pag-acquire lang sa librong 'to ang mission ko pero ngayon, mas mapanganib pa. Hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. At nababother na rin ako sa mga sinasabi ni Kyo. Sa tingin ko ay may alam na siya tungkol sa akin pero dahil wala pa siyang ginagawang move ay mukhang ligtas pa ako sa ngayon. Feeling ko pati sina Hideo at Naomi ay naghihinala na rin sa akin kaya kailangan ko na talagang mag-ingat. Kung sakali mang mahuli nila ako, I can use the Black Dimension to escape but going back to the base is my problem. Paniguradong madidisappoint si Mom at hindi na ako magugulat kung parusahan niya ako.
Speaking of Black Dimension, ngayon ko lang narealize na hindi nila nadedetect si Demi like me. Bakit kaya? Hindi ko na natanong kay Dana nung nagkita kami dahil sa dami ng mga nangyari. Ano na kayang lagay nila? Kamusta na kaya si Kid?
Napailing na lang ako para alisin sa isip ko ang mga bagay na 'yun. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa libro kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa symbols. Tuluy-tuloy lang ang pagbabasa ko kahit na hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay hanggang sa manlabo na ang paningin ko.
***
"Meow."
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Demi sa harapan ko. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako habang nagbabasa. Ang sakit tuloy ng batok at likod ko dahil sa posisyon ko nung nakatulog ako.
"Evening." Napatingin ako kay Hideo sa tabi ko.
"Kanina ka pa gising? Teka, ilang oras ako nakatulog? Anong oras na?" sabay tingin ko sa paligid at madilim na sa labas.
"Yes. Isa't kalahating oras kang tulog."
"Bakit 'di mo ko ginising?"
"Because I don't want to."
Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang nagliligpit dahil 7 PM na pala. Lumabas kami sa library dahil wala nang tao maliban sa amin at naglakad papunta sa dorm.
"Did you learn anything from that book?" rinig kong tanong niya mula sa likuran kaya lumingon ako. Nauuna kasi ako sa paglalakad habang sila ni Demi ay nakasunod sa akin.
"Hindi ko masyadong maintindihan. Para kasing may missing pieces sa libro-" Napatigil ako bigla sa paglalakad nung paglingon ko sa likuran dahil para akong may nakitang anino doon sa loob ng library kahit patay na ang ilaw. At hindi nga ako nagkakamali. May silhouette doon sa may bintana at nakasilip siya sa amin na parang nanlilisik ang mga mata.
"Bakit?" tanong ni Hideo sabay tingin din sa likuran niya.
"D-did you see that? May tao sa library na nakatingin sa atin. You have a 360-degree view of the surroundings so I'm sure you saw that...person."
"I didn't. Are you sure there's someone there?"
"Of course. Nakadungaw pa nga siya sa bintanang 'yun," sabay turo ko doon sa bintana pero kanina pa siya nawala. Kinilabutan tuloy ako bigla.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...