“Here’s the autopsy report,” sabay abot ni Mayu ng papers sa amin.
Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at kinocollect na namin lahat ng evidence na nakuha namin kanina. Mukhang ayos na rin si Naomi dahil bumalik na sa dating kulay ‘yung mukha niya.
Tinignan ko naman ‘yung nakasulat doon sa report. Namatay ‘yung babae nung 11:04 PM kagabi dahil sa tama niya sa trapezius and blood loss. Wait ano ‘yun? Ah basta ang alam ko sa likod tumama ‘yung bala. Wala na akong pakialam sa internal organs niya.
“I thought so,” sabi ni Hideo.
“May distansya sa pagitan ng pumatay at nung biktima dahil walang burn marks ‘yung sugat niya,” dagdag naman ni Mitsuo.
“Ahh. So ‘yun ‘yung tinignan niyo kanina kaya hinarap niyo ‘yung likod niya,” sabay tango ni Michiko.
Oh. Kaya pala. Akala ko kung anong tinignan nila doon sa may bullet wound ng babae eh. In fairness, ang bilis nilang mag-isip. Samantalang ako, lost. Malay ko ba sa pag-iinvestigate? Ako ang pumapatay at hindi ang nag-aanalyse sa patay. Tsk.
“And I think, tumakas siya sa killer niya by running dahil mabilis ang pagsisimula ng rigor mortis ng katawan niya,” sabi ni Mayu sabay upo sa tabi namin.
Bigla naman akong napatingin kay Mitsuo dahil sa aming pito ay siya lang ang hindi nagbabasa nung autopsy report.
“Bakit hindi mo binabasa?” tanong ko sabay nguso ko doon sa papel sa harap niya.
“Nabasa ko na.” Pagkasabi niya nun ay napatingin kaming mga babae sa kanya habang si Hideo ay patuloy lang sa pagbabasa ng kanya.
“Tapos mo na?!” sigaw sa kanya ni Akira.
“Oo. Bakit?”
“Anong bakit?! Two pages ‘to ah! At wala pang one minute nung binigay ‘to!”
“Wait...” sabi naman ni Naomi tapos tumingin siya sa papel na hawak niya. “Second page. Fourth paragraph. First sentence,” then tumingin siya kay Mitsuo.
“The bullet was from a gun called Mamba pistol which automatically loads bullets and can be used by a man or a woman.”
Napanganga naman kami nung sinabi niya ‘yun. For less than a minute, nakabisado niya ‘yung two-page report?
“That’s his sixth sense,” biglang sabi ni Hideo nung wala nang makapagsalita sa amin. Napatingin ulit kami kay Mitsuo at this time, tumingin siya sa autopsy report.
“I can easily memorize the things I see. Though they also easily fade away after a few days.”
Whoa. Awesome. Ang astig ng mga sixth sense nila. Ang hindi ko na lang alam ay ‘yung kay Mayu. Malalaman ko rin naman siguro soon.
Inexplain naman ni Mayu ‘yung rigor mortis na sinasabi niya kanina. Normally raw, kapag pagod o may ginawang nakakapagod ang isang tao bago siya mamatay, mas mabilis ang process ng rigor mortis o ‘yung pagtigas ng muscles ng katawan. Kaya ang hinala niya ay pilit na tinatakasan nung biktima ang killer niya bago siya mamatay.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...