Chapter 61

336K 12K 5K
                                    


I can still hear and see everything from here but I'm starting to lose control over my own mind. This seventh sense is too tiring and consumes my remaining strength.


"Akemi," tawag ni Naomi dahil napahinto na naman ako sa paglalakad. "Malapit na tayo." Tumango na lang ako dahil natatanaw ko na ang grassland.


Sa bawat paghakbang ko ay naririnig at nakikita ko ang pag-atake ng magkabilang panig sa isa't isa kaya naman minabuti kong pumikit na lang pero naririnig at natatandaan ko pa rin ang mga mukha nila kahit kanina ko lang sila nakita.

This seventh sense, I really don't know how I activated it but I'm glad I did it because I can talk to them through our minds and I can use their sixth senses. Gusto ko sanang malaman kung ano pa ang nakasulat sa libro at nagulat ako dahil kahit hindi ko alam ang nasa libro ay bigla ko na lang naisip 'yun at para bang kabisado ko ang nakasulat doon.


Knowing the strengths and weaknesses of your own sixth sense is the first step in understanding this ability. Once achieved, the sixth senses and minds of the users can become one and it will boost their power and capability. However, seventh sense is dangerous, especially if wrongly used. It can destroy the mind and the senses of the user or worst, it can lead to death.


Sa tingin ko ay medyo naiintindihan ko na ang mga sinasabi sa librong 'yun. Maybe it's about accepting my capabilities and limits, and my desperation to see them that my determination and my mind became one. I also realized that it's dangerous due to the overwhelming thoughts and memories of the users without any restrictions. A fragile mind can't handle this kind of ability and I think I'm on the verge of drowning in their thoughts.

Kahit tahimik si Mayu at siya ang pinakamatanda sa amin ay hindi ko akalaing ganito ang dinadala niyang sakit. Hindi pa niya ulit nakikita ang asawa niya simula nung aksidente ko silang nakitang nagpapaalam sa isa't isa sa gubat. Nahihirapan din siyang magfocus bilang head ng Technology department dahil sa taas ng expectations ng tao sa kanya bilang anak ng Legendary Mechanic at dahil nahahati ang oras niya para sa anak niyang si Hiroshi. Madalas ay nakadepende rin sa kanya ang Atama family dahil siya ang pinakamatanda kaya naman kahit gusto na niyang magbreakdown ay hindi niya ipinapakita sa kanila.

Sa kabila naman ng pagiging maloko ni Michiko ay madalas din pala siyang malungkot. Lahat ng nasa Atama ay may kasama na sa buhay pero siya ay lagi lang mag-isa at minsan ay sinasabi na lang niyang may pupuntahan o gagawin siya para hindi makaistorbo sa sari-sarili nilang buhay. She used to be alone but because of them, she felt secured and at home. And now, she feels alone again.

Nakita ko sa isip ko ang itsura ng asawa ni Akira at sa tingin ko ay nakita ko siya dati sa Intelligence department. Nakita ko rin ang anak niya at katulad niya ay pula rin ang buhok nito. Kapapanganak lang niya noong nakaraang buwan at ngayon ay kailangan niyang makipaglaban sa isang digmaan para protektahan ang pamilya niya. Bigla naman akong napangiti dahil naisip kong pwedeng maging magkaibigan ang mga anak namin. Gusto kong makitang mangyari 'yun pero alam kong imposible. Sayang at hindi ko makikita ang paglaki nila.

Mitsuo...this guy changed a lot. Siya ang unang nakilala ko sa kanila dahil pareho kaming pumasok bilang transfer student. Para siyang laging galit at mailap sa mga tao sa paligid niya pero noong naaksidente kami ni Naomi ay inamin niya kung bakit. He was distant and cold back then but look at him now...holding and protecting his son just like a good and reliable father. Dahil kay Naomi ay nagbago siya at nag-iba ang takbo ng buhay niya.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon