Chapter 22

425K 14.2K 1.5K
                                    

Three Shinigamis, huh? That means magkakasama nga sila. Pero ibig sabihin din ay may kakaibang nangyayari. Madalang mangyari ang ganitong sitwasyon, lalo na at magkakapareho sila ng status.

The Shinigami tribe has a hierarchy and is divided into five levels—the Soldiers, Assassins, Reapers, Elites and Royals. Ang Soldiers at Assassins ang gumagawa ng missions sa mundo ng humdrums at sila ang nagsusupply ng funds. ‘Yung pera na nakukuha nila mula sa humdrums na naghihire o gumagamit sa kanila ay binibigay sa tribe para sa projects na dinedevelop ng ilang Shinigami scientists. Reapers serve as the guards of the higher levels. Kadalasan ay sila ang pinapadala sa mahihirap na missions at nagliligpit sa mga malalakas na kalaban. Sa Elites naman nabibilang sina Kid, Dana at Keith. They are the Royal guards and they are usually sent to the most difficult missions and cases. They are strong enough to be on par with Senshin’s Atama, Huntres’ officers and Custos’ A class. Lastly, the Royals are the direct descendants of Ryou’s eldest son, and they serve as the leaders.

Ngayong magkakasama ang tatlong miyembro ng Elites, sigurado akong may nangyayaring hindi maganda. The members of the Elite can fight enemies alone. At kapag magkakasama sila, either may napakahirap na mission or they are in trouble.

“We should get back to Miyu,” biglang sabi ni Mayu.

Pinahandle na lang sa mga pulis ‘yung case at agad kaming tumakbo palabas. Pumunta kami kung saan nakapark si Miyu at pumasok kami sa loob.

‘Shinigamis, detected. Custos, detected.’

Napatingin agad kami doon sa computer sa harapan at may apat na dots na nakadisplay. One kilometer lang ang layo namin sa kanila kaya pinaandar agad ni Mayu ‘yung sasakyan. Habang nakafocus sila doon sa radar ay pumwesto ako sa likuran ni Akira dahil natatakpan niya si Hideo, para hindi niya magamit ang sixth sense niya sa akin. Palihim kong kinuha ‘yung libro doon sa mesa at nilagay ko sa loob ng damit ko.

“Nakita namin ‘yung laban nila kanina though hindi sandali lang. Kinakalaban nung tatlong Shinigami ang isang Custos at nagcacause sila ng panic sa mga tao. Dahil masyadong seryoso ang laban nila ay nadadamage ‘yung ibang buildings at baka may madamay na humdrums.”

Pagkasabi nun ni Akira ay tumaas ang tension dito sa loob ng sasakyan. An all-out fight, huh. Sino kaya ang kalaban nila para maging seryoso sila?

“Watch out!” sigaw ko dahil naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension sa paligid.

Huminto si Miyu at agad-agad akong bumaba. Sumunod naman sila sa akin at pagtingin namin sa labas, napatigil kami.

Nagbabagsakan na ‘yung debris sa ilang buildings na nasisira dahil sa labanan nila pero hindi sila napapansin ng mga ordinaryong tao dahil sa bilis ng pangyayari.

“Help the humdrums,” sabi ni Hideo tapos sabay-sabay silang bumalik kay Miyu para kuhanin ang weapons nila.

Ginamit ko naman ang pagkakataong ‘yun para magtago sa likod ng isang kotse at inopen ko ang small portion ng Black Dimension para ipadala ‘yung isa sa cards ko. After that ay bumalik ako sa pwesto namin pero may nakita akong bata na hindi na makagalaw doon sa pwesto niya at tinitignan lang ‘yung isang malaking bato na nalalaglag sa itaas niya.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon