Halos magkaroon ng after shock na tulad sa earthquake after ng dalawang pagsabog. Nararamdaman ko ang vibration ng lupa habang umaandar ang sasakyan.
"Mayu, ano nang nangyayari?" rinig kong tanong ni Hideo sa isang mini-computer sa mesa, tapos biglang nagproject ang image ni Mayu sa taas nun.
"Nalocate namin ang isa sa mga bombang sumabog. Nalocate na rin ng Mimi family ang isa pa."
Napaisip naman agad ako sa sinabi ni Mayu. Sa pagkakaalamko ay Mimi ang tawag sa family ng mga may sixth sense na connected sa hearing or any sounds.
"Mayu, where were the bombs located?" tanong naman ni Naomi habang binebendahan ang binti niya. Maging ako ay nilalagyan ko rin ng benda ang paa ko para mareduce ang stress na mabibigay ko rito. Ayoko nang masprain for the third time.
"We found this one behind the school at 'yung isa ay sa lumang pabrika. Wala namang namatay pero may mga sugatan at nagkaroon na ng mass panic. Iniisip nila na gawa ito ng terorista at marami pang bomba ang sasabog."
"Give me the map," utos ni Naomi kay Mitsuo at inabot naman niya kaagad ito. Iba talaga ang ugali niya kapag nagsosolve ng kaso. Para siyang si Hideo.
Nilatag niya 'yung mapa sa low table at tinignan naming apat 'yun. Minark niya 'yung dalawang location ng sumabog na bomba at halos isang kilometro lang pala ang layo ng dalawa.
"Where's Akira?" tanong ulit ni Hideo.
"She's locating the other bombs. She can hear the faint ticking of the timer on the bombs."
"Good. We'll be right there."
Nagkatinginan kami ni Mitsuo at alam kong pareho kami ng iniisip. These two—Hideo and Naomi, are the brains of Atama family. Nakakapag-isip sila nang matino at kalmado kahit na nagkakagulo na sa city. Siguro kaya rin ganun ang personality nila.
Makalipas ang dalawang minuto ay nakita ni Hideo si Akira kahit halos isang kilometro pa ang layo namin sa kanya. Papalapit na kami kay Akira nung bigla siyang napahinto.
'BOMB! SA PARK!'
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Akira. Para akong nagkamigraine at nagdoble ang paningin ko.
Agad-agad kaming bumaba dahil nasa tapat na kami ng park at sobrang daming tao rito. Tumakbo kami papunta doon at sabay-sabay kaming sumigaw ng 'bomb' kaya nagsitabuhan palayo ang mga tao.
"There!" sigaw ko nung makita ko ang bomba na nakastrap sa isang malaking sanga ng puno.
"Shit! 4 seconds left!" sigaw ni Hideo.
Pare-pareho kaming tumakbo papunta sa puno at sa loob ng apat na segundo ay parang bumagal lahat. I always experience this sensation when I am in a near-death experience.
Pero alam ko sa sarili ko na ang pagtigil ng timer sa bomba ay hindi kasama sa sensation na 'yun. Huminto sa 01 :34 ang timer at alam kong may isa't kalahating segundo na lang kami.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...