Chapter 54

299K 11.6K 2K
                                    


"Mama!" sabay tawa niya at takbo papunta sa akin. "Natalo ko si Papa!"

"Talaga? Wow, you're so strong." Nakitawa na rin ako sa kanya at ngumiti ako habang papalapit naman sa amin ang Papa niya.

"Strong enough to beat me," sabi niya sa akin at natawa na lang ulit ako dahil sa pakikipaglaro niya sa anak namin.


Pero nagbago ang lahat. Nawala ang anak namin. Nawala siya. Naiwan akong mag-isa sa isang madilim na lugar. Sigaw ako nang sigaw. Tumakbo ako nang tumakbo pero walang nakakarinig at tumutulong sa akin. I cried for help but I am alone.


Nagising ako habang hinahabol ang hininga ko. So that was just a dream.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nadisorient ako at nagpanic dahil sa dilim. I can't estimate the distance of my surroundings and it feels like my sight is concentrated at the right side.


"Rielle! Are you okay?" Napatingin ako sa right side ko at nakita ko si Kid. Bigla niya akong niyakap at doon ko lang narealize na nanginginig ako sa takot. Doon ko rin narealize na nasa loob ako ng kulungan. Pero sa huling pagkakatanda ko, nakahiga ako sa experiment table at...


Napahawak ako bigla sa kaliwang mata ko at naramdaman ko ang gasang bumabalot doon. I shuddered with horror when I realized my left eye wasn't there.


"No...no..." My body convulsed and I can feel that Kid tightened his hug.

"Calm down, Rielle."

"But my...my eye..."

"It's okay," he said while stroking my back. "as long as you're alive."


They really took out my left eye.


Napayakap na lang ako kay Kid at naiyak dahil sa sobrang galit sa ginawa nila sa akin. Wala na akong pakialam kung sinuman ang makarinig pero humagulgol na ako sa sobrang sakit at sa nagpatung-patong kong frustrations. I betrayed the people who treated me as a friend. I betrayed my comrades here but they still helped and protected me. I failed Rin and Sarah and now they hate me. And now, my mother took my eye and ability.

Ito ba ang parusa ko dahil sinunod ko ang emosyon ko?


"Cry all you want. No one will hear you beside me," bulong ni Kid sa akin at lalo lang akong naiyak. Niyakap ko siya nang mahigpit para maramdaman kong hindi ako nag-iisa...na may kasama pa ako.

"I'm scared," I said between my sobs. Hinagod niya ang likod at buhok ko pero wala na siyang sinabi.


Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako para sa kapakanan ng anak ko, lalong-lalo na sa sinabi ni Mom tungkol sa kanya.


Make sure it's safe. That child, I'm going to use her to lure her father. She'll be the demise of that tribe and I will make her regret her birth.


Ayokong gamitin siya laban kay Hideo at lalong ayokong mapunta siya sa kamay ninuman. Both tribes can't even accept me, paano pa kaya ang magiging anak ko? The only place that she can call home is with me and his father.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon