Chapter 31

434K 14.5K 4.1K
                                    


"Sigurado ba kayo?" tanong agad ni Naomi sa kanilang dalawa.

"Yes. Do you want to bet on it?" sagot naman ni Mitsuo and he gave her a lazy smile. Hindi ko alam kung 'yun ba ang unang beses na ngumiti o nagsmirk siya dahil sa isang case kaya medyo nagulat ako. Well, at least hindi katulad ng reaction ni Naomi na parang hindi makapaniwala sa nangyari at kumunot ang noo niya. Para tuloy nagpalit sila ng expressions.


"Pero may isang problema," biglang sabi naman ni Hideo.

"Ano?" Lumapit ako sa kanya habang bina-browse niya ang mga papeles na hawak niya.

"We still don't know the connection between the two murders and the explosion."

"What? So tingin niyo ay magkakonekta talaga sila?"

"Yes. There's a high probability that they are related."

"Paano mo naman nasabi?"

"Logical thinking and instinct."


Napabuntung-hininga na lang ako. Ang hirap talaga intindihin ng utak ng isang 'to. Sabagay, they've been doing this since they were young, no wonder madali na lang sa kanilang i-analyse ang isang crime scene. At dahil sa kanila ay nasasanay na rin ako magsolve ng iba't ibang kaso na dati ay wala naman akong interes. Kapag nakakita ako ng bangkay, ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay kung gaano kalinis ang execution. For me, a professional killer is capable of erasing almost or all proofs of his or her work. Pero ngayon, natututo na akong alamin ang paraan ng pagpatay at kung sino ang pumatay.


"So? What's your plan? Hindi naman pwedeng i-confront niyo ang killer ng walang proof, right?" tanong ko sa kanya. Titignan ko na rin sana 'yung ibang papeles sa mesa pero nagulat ako nung bigla akong nadulas dahil may mga nalaglag na papel sa harap ng mesa. "W-whoa-!" Nagpanic ako kaya naghanap ako ng kakapitan pero ang nahawakan ko ay 'yung mga papel din na nakastack sa mesa.


Napaupo ako at halos nalaglag lahat ng papel na nahawakan ko sa katawan at mukha ko, dahilan para matabunan ako.


"Are you trying to be funny?" Hinawi ko 'yung mga papel sa mukha ko at tumambad si Hideo sa harapan ko habang seryoso ang expression niya.

"Sa tingin mo sinadya kong madulas?" Inirapan ko siya at nakita kong inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "I don't need any help. Kaya kong tumayo mag-wait!"


Bigla kasi siyang umupo para magkalevel kami at hinawakan niya ako under my arms sabay angat sa akin patayo. Nung pareho na kaming nakatayo ay lumayo ako agad at sinamaan ko siya ng tingin.


"You're welcome,"s abi pa niya na parang nang-aasar.

"Hindi na ako magtataka kung magkaka-injury ka ulit," sabi bigla ni Mitsuo habang papalapit sa amin at nakasunod naman sa kanya si Naomi. Isa rin 'to eh.


Umupo naman ako agad para pulutin ang mga nagkalat na papeles at tumulong din si Naomi.


"Naghalu-halo na yata 'yung ilang documents."

"It's an accident," sabi ko na lang. Alam naman siguro ng staffs dito kung ano ang magkakasamang documents. Bahala na silang mag-ayos.


Pinulot ko 'yung isang papel malapit sa paa ko at nabasa kong tungkol 'yun sa investments. Dahil wala naman akong pakialam doon ay 'di ko na tinuloy basahin. Pero napatigil ako nung may nakita akong kakaiba sa papel.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon