Chapter 24

406K 14.3K 6.1K
                                    

Another update :)

***

“I’m okay.”

“No, you’re not.”

Nginitian niya lang ako habang nasa loob siya ng selda. Bumigat ‘yung pakiramdam ko nung nakita ko ang mga sugat sa katawan niya. Inabangan ko talaga na umalis si Izumi bago ako pumuslit dito. Lumapit ako at tumayo siya.

“Oh Rielle. Nakakapanibago talaga kapag umiiyak ka,” sabay ngiti niya pa na parang wala lang ang nangyayari sa kanya. Silang tatlo lang nina Dana at Keith ang nakakakita sa aking umiyak at minsan lang naman ako maiyak. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Nahihirapan na ako.” Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko ‘yung kamay niya sa kamay ko.

“Dana and Keith are still there. Tutulungan ka nila.”

“But how about you?”

“I told you, I’m fine.”

Tinitigan ko lang siya. Kahit na siya ang pinakamayabang at nakakainis sa aming apat, kapag seryosong usapan ay nag-iiba siya. Ayokong nakikita siya nang ganito.

“Why do you act like everything is okay even though it’s not?” Hinawakan ko ‘yung mukha niya na puro sugat at nakita ko siyang nagwince. Iniimagine ko pa lang kung anong ginawa sa kanya ni Izumi, bumibigat na ‘yung pakiramdam ko.

“So that no one worries about me. Sige na, umalis ka na. Sabihin mo na lang kina Dana at Keith ang nangyari para hindi nila ako hanapin kung saan.”

Kahit ayaw kong umalis ay naglakad ako palayo doon habang pinupunasan ko ‘yung pisngi at mata ko. Lumabas ako sa basement at pumunta ako sa main chamber kung nasaan si Mom. Pero pagbalik ko ay nandoon na rin sina Dad at Rin. Nung nagkatinginan kami ni Rin ay napangiti ako. Ang tagal ko na siyang hindi nakita at namiss ko siya pero alam ko namang magkaiba kami ng nararamdaman. She’s jealous of me and she wants me to be out of her life. Mukhang nakuha na niya ang tiwala ni Mom and Dad and I’m happy for her. Masaya na ako na may tiwala na sa kanya ang parents namin, unlike before.

Siguro nga, mas magandang wala ako rito.

Inabot sa akin ni Mom ‘yung libro about sa Seventh Sense at inutos niyang bumalik na ako. Nagpaalam ako sa kanila pero hindi ako pinansin ni Rin. Nagpaalam din ako kay Sarah at nakita kong naging malungkot ang expression niya.

“Aalis ka na naman, ate Rielle?”

“Kailangan eh. Mukhang ikaw ang magiging guard ni Rin ah?” Napansin ko kasing lumapit si Rin sa kanya kanina. Isa kasi si Sarah sa anak ng ilang Elites katulad nina Kid, Dana at Keith.

“Opo. Tinetrain kami ni Roku.” Si Roku pala ang nagtetrain sa kanila. He’s the guard of Dad and he’s the most powerful Elite here. Mukhang malaki ang expectation nila sa kanila kaya napangiti ako sa kanya.

“Pagbalik ko, may ituturo ako sa’yo.”

“Talaga?!”

“Yup. So wait for me, okay?”

“Mmm!” sabay tango niya.

Habang hawak-hawak ko ‘yung libro ay lumabas na ako sa chamber. Ni hindi man lang ako nilingon nina Dad, Mom at Rin. Si Sarah lang ang kumaway sa akin. Sanay naman na ako pero nakakalungkot pa rin. Lalo na ngayon at babalik na naman ako sa lugar na wala akong mapagsabihan dahil wala doon si Dana.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon