It's been two weeks since I left that place. Lagi lang akong nandito sa kwarto dahil wala pang ibinibigay na bagong mission sa akin at ayaw ko rin munang lumabas. Pero araw-araw kong dinadalaw si Kid kapag umaalis na si Izumi sa post niya. Katulad na lang ngayon.
"Nandito ka na naman," rinig kong sabi niya kahit hindi pa ako nakakarating sa cell niya. Nung nandoon na ako sa tapat ay nakangisi siya.
"Ayaw mo?" I said while arching my brow.
"Gusto." Napangiti naman ako. At least, playful na ulit siya.
Bakas sa katawan niya ang scars mula sa pagtorture sa kanya nung kinulong siya. Pumayat din siya at mas naging dark ang expression niya. Naaawa ako sa kanya at gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.
"I still can't believe that you're here," sabi niya kaya napataas ulit ang kilay ko.
"Two weeks na akong dumadalaw sa'yo pero 'di ka pa rin makapaniwala?"
"Malay ko ba kung hallucination lang kita?" Lumapit ako sa kanya at inextend ko ang kamay ko sa loob ng cell. Hinawakan ko ang pisngi niya at ramdam ko kaagad ang lamig nun.
"O, ayan. This is the real me." Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"You're right," saka siya ngumiti.
Sa nakaraang dalawang linggo ay siya lang ang nakakausap ko dahil laging wala sina Dana at Keith. Si Sarah naman, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon dahil nasa gitna siya ng pagtetraining kasama ang dalawang Reapers under Rin.
Naalala ko tuloy nung una akong pumunta rito kay Kid. Gulat na gulat siya nung nakita niya ako at tinanong niya ako kung bakit ako nandito.
"Bakit ka nandito? Anong nangyari?"
"Bumalik na ako dahil hindi ko na kaya ang mission. Besides, may nakadiscover na ng identity ko," sabi ko at umupo ako sa harapan ng cell niya.
"Tumigil ka na sa pagiging Miss Senshin mo?" Tinignan ko siya nang masama at ngumiti siya.
"Funny, Kid."
"But that's great. You're back to where you truly belong."
Where I truly belong ,huh. Yeah. Because I'm a Shinigami, I belong here. I belong with them. I should stop thinking about those Senshins because they're our enemies.
Napailing ako at tinanggal ko ang thought na 'yun. Nagfocus ako kay Kid at bigla kong naalala ang mga sinabi ni Dana sa akin nung nakipagkita siya sa akin before.
"By the way, are you okay? Ang sabi ni Dana, hindi raw sila pinapayagan ni Izumi na dumalaw rito sa'yo," tanong ko. Buti na lang at may mission si Izumi ngayon kaya walang bantay sa cell niya.
"I'm okay. I'm not that weak," sabi naman niya habang nakaupo at nakasandal sa pader.
"I know. But this is not fair. Kakausapin ko si Mom mamaya at papakiusapan ko siyang palabasin ka—"
"No need, Rielle." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"What? Bakit?"
"May utos na ang Mom mo at sinabi na sa akin ni Izumi kanina."
"Ano 'yun?"
"Makakalabas ako rito pagkatapos ng isang buwan. She just want to test my resolve and I think I've proven that I can still be useful."
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...