Dalawang linggo na ang nakalipas after kong makapasok sa school na ‘to pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ‘yung libro. Kapag pupunta kasi ako sa library, pupunta rin sila doon. Ininspect ko na ‘yung ibang books pero mukhang wala ‘yun doon. Siguro nasa restricted section or nasa ibang building.
“Good night!” sabay higa ni Akira sa kama niya.
Katatapos lang naming kumain at magshower dahil sobrang napagod kami ngayong araw. PE kasi namin kanina at si Kyo rin pala ang instructor doon. Chinallenge niya kami sa one-on-one pero ‘yung right hand at left leg lang raw ang gagamitin niya. Nainis talaga ako nung sinabi niya ‘yun dahil masyado niya kaming ina-underestimate pero...hindi namin siya natalo.
Sobrang lakas niya. To think na hindi namin siya kaya at halos wala pa sa kalahati ‘yung inexert niyang force to deal with us.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong sa akin ni Naomi habang nagbabasa siya ng libro.
“Di pa ako inaantok.”
Pero ang totoo, hihintayin ko muna silang makatulog at saka ako pupunta sa library. Sinara ko rin ang isip ko dahil alam kong delikado ako kapag bukas ‘yun hangga’t nasa tabi ko si Naomi. Nilapitan ko naman siya at umupo ako sa tabi niya.
“Ano ‘yang binabasa mo?”
“Ah. Tungkol sa kung paano mag-isip ang criminals.”
“Oh.”
Sa lahat ng pwedeng basahin, bakit ‘yun pa? She’s really weird. Well sabagay, makakatulong ‘yun sa pagsosolve ng crimes.
Sanay naman akong hindi matulog dahil tinrain ako ni Dad na maging alert kahit na antok na antok ka na. Kaya kong hindi matulog for three to four days basta ba may pagkain. Naalala ko dati na kami nina Kid, Keith at Dana ay hindi natulog for three days para lang ma-ambush namin ‘yung dalawang Huntres na kumalaban sa amin. They are really troublesome dahil sa attributes nila pero in the end, nagawa pa rin namin silang matalo.
Ilang oras din akong naghintay para makatulog si Naomi. Pagtingin ko sa orasan, 2 AM na.
Dahan-dahan akong umalis sa kama ko at kinuha ko ‘yung ilang gamit ko. Naglakad ako sa hallway at dahan-dahan akong umalis palayo sa dorm. Nagtago muna ako sa likod ng buildings at chineck ko ‘yung paligid dahil baka may makakita sa akin. Kung pwede ko lang gamitin ‘yung Black Dimension papunta sa library ay kanina ko pa ginawa pero may detector na nakapalibot sa buong school kaya hindi pwede.
Pagdating ko sa library ay agad akong pumasok at patay na rin lahat ng ilaw. Nag-iwan ako ng maliit na papel kanina sa may bintana para hindi ‘yun fully masara kaya doon ako pumasok.
Ginamit ko ‘yung ring flashlight na binigay sa akin ni Mayu last week at inilawan ko ‘yung dinadaanan ko. Pumunta ulit ako doon sa History section dahil hindi ko pa masyadong nabobrowse ang area na ‘to. Sino ba naman kasi ang gustong malaman ang history ng tribes namin? Ang alam ko lang ay galing kami sa iisang race called Erityians at nagkaroon ng Tribe system dahil sa opposing ideas ng leaders.
Inisa-isa ko ‘yung books pero wala naman masyadong mahalaga ang nakalagay. Pero nung nasa dulo na ako ay may kakaibang libro akong nakita. Hindi alphabet ang gamit sa pagsusulat kundi puro symbols. Maski ‘yung title ng libro ay ganun din ang nakasulat.
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...