Chapter 19

426K 14.2K 1.1K
                                    

“May ganitong idea pala? Ang galing!” sigaw ni Michiko habang nakatingin siya sa libro.

Si Naomi naman, tinuturuan niyang magtranslate si Mitsuo para mabilis naming malaman ‘yung content ng libro. Pero napahinto kami nung nakarating na kami sa agency. As usual, nagpatak ulit kami sa mata nung eye droplets at after a few seconds ay nagsolidify para maging contact lens to hide the true colors of our eyes. Mahirap na kasing irevert back to black or dark brown since lahat kami ay nasa green stage na. Then bago kami bumaba ay balak ko sanang kunin ulit ‘yung libro pero sabi ni Mayu ay iwanan ko na lang daw kay Miyu kaya wala na akong nagawa. Dumaan kami doon sa police quarter at sinabi nila na may babae raw na naghihintay doon sa agency. Pagkapasok namin ay may nakaupo nga doon sa may sofa at nung makita niya kami ay tumayo siya.

Si Hideo ang umupo sa tapat niya at nakinig naman kami sa sinabi nung babae.

“I’m Carla Buenavista,” sabay abot niya kay Hideo ng ID niya. “Please tulungan niyo akong hanapin ang ate ko.”

Habang nagkukwento siya ay nanunubig na ‘yung mga mata niya. For some reason ay bigla akong naging interested kaya nakinig ako sa kanya.

“Sabi niya kagabi, hindi raw muna siya makakauwi kaya hindi ko na siya hinintay. Pero bigla akong nag-alala kinabukasan kaya kinontact ko ‘yung officemates niya. Ang sabi nila, maaga raw siyang umalis sa office at wala raw siya doon ngayon. Kinokontact ko siya kanina pero hindi niya sinasagot ‘yung phone niya.”

Pinakita niya kay Hideo ‘yung picture ng ate niya after that at nagbigay din siya ng basic information about doon sa babae. Sa pagkakaalala ko sa mga sinabi nung Carla, Catherine Buenavista ang name ng kapatid niya, 25 years old at nakatira lang sila sa iisang apartment.

“Siguro kung makikita namin ang kwarto o ilang gamit niya, mas madidistinguish namin ang character at personality niya,” singit ni Naomi kaya napatingin sa kanya si Carla.

“O-okay po. Pero maliit lang ‘yung kotseng dala—”

“It’s okay. We have our own vehicle. We’ll just follow your car,” sabi naman ni Hideo.

Tumayo si Carla at sinundan namin siya palabas sa agency at headquarters hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Luckily ay malapit lang doon sa parking area kung nasaan si Miyu kaya pumunta agad kami doon at sinundan namin ‘yung kotse.

“Later na lang natin ituloy ‘yung pag-uusap about dito sa seventh sense,” sabi agad ni Mayu nung makapasok kami sa van at nag-agree naman kaming lahat sa kanya.

Napatingin ako doon sa book na nasa gitna ng table. Medyo pinagsisisihan ko nang ipinakita ko sa kanila ‘yun. Maybe I should’ve solved it by myself. Tsk. Pero huli na.

‘Kailan mo ibabalik ‘yan?’ Napatingin naman ako bigla kay Naomi dahil narinig ko siya sa isip ko.

‘Ang alin? ‘Yung libro?’

‘Oo. Chinecheck ng librarian every Friday lahat ng libro at alam niya kung may kulang doon.’

‘Wait. So you mean binalik mo ‘yung librong binigay ko sa’yo?’

‘Of course. May nilagay na detector si Sir Aiwa sa bawat libro na sinuggest ng librarians kaya kaya nilang itrack ang mga ‘yun.’

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon