Bea’s POV
Bagong araw na naman at sa ngayon ay masigla akong bumangon. Ikaw ba naman ay makakuha ng bagong trabaho at kahit hindi ako nakapagtapos ng highschool ay nakapasok pa rin ako sa trabaho. Mukhang malaki talaga ang impluwensya ni Jhake.“Ate ang saya-saya mo ngayon ah. Hulaan ko, dahil 'yan sa bago mong trabaho 'no?” Tanong niya habang nasa maliit kami na hapag kumakain ng almusal.
“Paano mo nalaman Barbie? Siguro idol mo si madam auring.”
“Ate eh. 'Yun lang naman ang dahilan kung bakit ang saya mong umuwi kagabi bukod sa hinatid ka ni Jhake,” aniya na bakas ang pagngisi niya kaya napailing na lang ako sa kanya.
“Ikaw na bata ka! Tinutulungan na lang nga tayo nung tao ay binibigyan mo pa ng malisya.”
“Sigurado ka ba dyan, ate? Baka mamaya nyan ay malaman ko na iniwan niya ang girlfriend niya para sa iyo o kaya naman ay pinakasalan ka niya.”
“Kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo. Kumain ka na lang.”
“Last na ito, ate.”
“Ano?”
“Type mo siya 'no?”
“Hindi”
“Weh?”
“Oo na at gwapo siya pero hindi ko siya type 'tsaka isa pa gusto mong sabunutan ako nung girlfriend n'ya kapag nalaman n'yang type ko ang boyfriend niya?”
“Oh sa bibig mo na nanggaling 'yan na type mo si Jhake,” aniya na may ngisi pa rin sa kanyang labi.
“Kumain ka na lang,” sabi ko tapos kumain naman na ko at napangiti ng konti dun sa sinabi ni Barbie. Ito talagang kapatid kong ito, masyadong malisyosa.
Jhake’s POV
Papunta ako ng kompanya para magtrabaho nang biglang dumating si Lexi sa bahay.“Jhake. Where are you going?”
“Sa kompanya,” tipid kong sagot.
“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin because of that lousy girl?”
“Lexi, don’t start.”
“Ok fine. Kain na lang tayo sa labas please. Promise, I won’t do that again,” sabi niya tapos hindi ako umimik ng mga ilang seconds.
“O'sige.”
“Talaga?” sabi n'ya sa'kin sabay yakap.
“Maraming salamat talaga. That’s why I love you,” sabi n'ya habang nakayakap sa'kin tapos nun ay kumalas na s'ya sa pagkakayakap.
“Let’s go na. Excited na kong makakain ulit kasama ka,” sabi niya tapos ngumiti lang ako at pinagbuksan ko na siya ng pinto ng kotse. Umalis na kami at pumunta sa isang Italian restaurant.
“Ang sarap 'no?” tanong ni Lexi kaya ako naman ay tumango na lang.
Kumunot ang noo niya. “May problema ba?”
“Wala”
“Kung ma-le-late ka sa trabaho mo ay ok lang iyon dahil boss ka naman nila.”
“Lexi ganyan ba talaga ang tingin mo sa kanila? 'Yung ikaw ang pinagsisilbihan? Na you don’t have any responsibility on them?”
“Why? Totoo naman eh. I don’t have any responsibility on them.”
“You should have, Lexi. Life is beyond what you are now. Not all of them have a life like you and now even a single concern for them, you don’t have,” wika ko at napailing.

BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomantiekWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...