Chapter 47

270 16 3
                                    

Bea's POV
Pagkagising ko ay nakaamoy agad ako ng adobo kaya naman pumunta na nga ako sa kusina.

"Jhake bakit ka naman nagluluto? Ako na diyan."

"Pasasalamat ko na 'to sa inyong dalawa ni Barbie dahil pinatuloy niyo akong dalawa dito sa munting tahanan niyo."

"Mahal kita Jhake isa pa hindi naman kami naniningil sa pagpapatuloy namin sa'yo dito."

"Pero mas gusto ko ang ipagluto ang mahal ko," aniya kaya naman ngumiti na lang ako.

"Oh ayan na, tapos na at halika na't kumain na tayo."

"Sige. Barbie halika na at kumain na tayo," yaya ko kay Barbie at umupo na nga kami ni Jhake.

Maya maya pa ay dumating na rin si Barbie at nagsimula na kaming kumain.

"Ate, may contribution pala kami sa school."

"Magkano?"

"Dalawang daan po."

"Ganun ba? Medyo wala kasi tayong pera ngayon kasi magbabayad ako mamaya sa tubig eh."

"Sige. Makikiusap na muna ako na baka sa susunod na ako magbayad."

"Ilan nga ulit ang kailangan mo Barbie?"

"200 po Jhake."

"Ganun ba. Heto oh. Pambayad mo," sipi ni Jhake at may kinuha sa wallet niya.

"Pero Jhake may sukli 'to. Limang daan 'to eh."

"Sige na sa'yo na 'yan para pambaon mo na rin."

"Salamat Jhake ah. Kaya ka pala mahal na mahal ka nitong kapatid ko eh, mabait ka eh."

"Nagpapalakas ka 'no?" sipi ni Jhake kaya naman nagtawanan na lang kaming tatlo.

Isa 'to sa napakasayang almusal ko buong buhay ko.

Hinihiling ko na sana lagi na lang kaming ganito pero alam ko hindi namin pwedeng takbuhan ang mga problema namin habang buhay. Alam ko kahit mahirap malalagpasan namin 'to basta magkakasama kami.

Basta kasama ko ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Daniel's POV

"Sagutin mo ko Daniel. Sino ang mamatay?" tanong muli ni mama kaya naman humarap na ako sa kanya.

"Ang pagmamahalan nila Bea at Jhake. Alam ko balang araw mamatay din 'yun."

"Sana nga eh. Ayoko kasi talaga sa babaeng 'yun. Akala mo sa una mabait pero nasa loob naman pala ang kulo. Kaya ikaw Daniel kung sinasabi mo na mahal mo ang Bea na 'yan. Pues, kalimutan mo," aniya kaya naman napasarado ko na lamang ang aking kamao dahil sa galit.

"Kahit anong sabihin mo. Si Bea pa rin ang mahal ko at naniniwala ako na balang araw, mapapa sa akin rin siya."

"Ano bang sinasabi mo? Huwag ka ng gumaya sa kapatid mo na nagpapauto pa sa babaeng 'yun. Hindi ko kayo pinalaki para magpakabaliw lang sa babaeng 'yun."

"Hindi lang basta babae si Bea."

"Aba talagang hindi! Kasi siya 'yung babae na handang manloko ng mga tao para lang mailagay sa magandang kinalalagyan ang sarili niya."

"Bahala kayo ng gusto niyong isipin," sipi ko at nilagpasan na siya roon.

"Daniel, bumalik ka rito," rinig ko pang tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Dapat ituon ko na ang sarili ko kung paano ko makukuha si Bea.

Sabi nga nila 'all is fair in love and war' kaya gagawin ko lahat para sa akin ang bagsak niya.

Ako ang tumutulong sa kanya simula pa lang kaya naman dapat akin siya.

Bea's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Jhake dahil sa ihahatid niya ako sa coffee shop kung saan ako nagtratrabaho.

"Sige, nandito na tayo," sipi niya.

"Salamat Jhake sa paghahatid ah."

"Lahat para sa babaeng papakasalan ko."

"Ewan ko nga sa'yo. Sige na at mauna na ko," sipi ko at lumabas na nga ng kotse.

Nagwave pa ako sa kanya at ganun rin siya sa akin pagkatapos ay pinaharurot na niya ang kotse at umalis na.

"Sino 'yun? Boyfriend mo?" tanong ni Macy na siyang isa sa kasamahan ko sa trabaho.

Imbis na sagutin siya ay ngumiti lang ako.

"Halika na sa loob," yaya ko sa kanya at pumasok na nga kami.

Joyce's POV
Nandito ako ngayon sa bahay nila Lexi para bisitahin siya. Kahapon kasi hindi siya makausap eh.

"Hi po tita, si Lexi?"

"Nasa kwarto niya eh."

"Sige po. Pupuntahan ko na lang," sipi ko at nagtungo na nga sa kwarto ni Lexi.

Nagsimula na akong kumatok.

"Lexi. Lexi si Joyce 'to. Kausapin mo naman ako oh. Alam ko masama ang loob pero kailangan mo ng lalabasan niya eh. Lexi."

"Naku ma'am! Kahapon pa po hindi lumalabas 'yan si ma'am Lexi eh. Ni hindi nga kumakain 'yan eh."

"What? Lexi! Lexi! Yung susi, kunin mo 'yung susi." Taranta kong utos na agad niya naman sinunod.

"Heto po ma'am," aniya at sinimulan ko na ngang buksan 'yung pintuan.

Nang mabuksan ko na ay nagulat ako sa nakita ko.

"Oh my gosh!" sipi ko dahil nakita ko si Lexi na may laslas sa pulsuhan niya.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon