Chapter 21

308 17 5
                                    

Daniel's POV
Sa totoo lang ay hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa ngayon. Masyadong napapalapit na si Bea kay Jhake at ganun rin si Jhake sa kanya.

Iniiwasan ko lang na mangyari sana iyon dahil sa si Bea lang naman ang mahihirapan sa huli lalo na pagnagkaalam na ng totoo. Kay Jhake naman wala akong pakielam sa kanya 'yun nga lang iniisip ko si Bea.

Batid ko kagabi na may pupuntahan sila at sa tingin ko ay date nga iyon dahil kahapon ang araw ng mga puso.

Hindi kaya unting-unti  nahuhulog na ang loob nila sa isa't-isa?

Hindi! Hindi maari iyon!

"Hi Daniel," napatingin ako sa tumawag sa akin at dun ko nakita si Lexi na halatang kapapasok pa lang.

"Si Jhake?"

"Garden."

"Kasama 'yung impokrita niyang asawa?" tanong ulit nito kaya naman tinanguan ko na lamang.

"Grabe talaga 'yung babaeng 'yun. Talagang gusto pang landiin si Jhake para lang hindi siya iwan nito."

"Lexi sa pagkakakilala ko naman kay Bea hindi siya ganun."

"Come on Daniel. Halata naman na nagpapanggap lang 'yung babaeng 'yun."

"You know what Lexi. It doesn't matter kung nagpapanggap lang siya o hindi dahil ang dapat mong atupagin ay huwag tuluyan mahulog ang loob ni Jhake kay Bea. Pagnagkataon na nangyari 'yun kahit pa nagpapanggap lang si Bea may chance na tanggapin pa rin siya ni Jhake because of love," saad ko at iniwan na siya roon.

Lexi's POV
Sa totoo lang ay may point si Daniel.

What if one day mapatunayan kong fake wife lang talaga si Bea pero mahal na ito ni Jhake?

Yes, there's a possibility na magalit si Jhake pero may possibility rin na patawarin niya ito.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umalis na nga rito at nagtungo sa garden.
Kailangan kong ipakita kay Jhake na ako ang babaeng tunay niyang mahal.

Bea's POV
Nandito kami ngayon sa garden ni Jhake.

Nakaupo kami ngayon dito sa grass.

"Sana Jhake lagi na lang ganito 'no. 'Yung walang problema," saad ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Oo nga eh. Kaya naman sana bumalik na ang ala ala ko para matandaan na kita."

Napahiwalay ako sa kanya dahil sa sinaad niya tapos ay tumingin ako sa kanya.

"Mahalaga pa ba ang nakaraan Jhake? Di ba ang mahalaga magkasama tayo ngayon?"

"Alam ko Bea pero kulang ang pagkatao hangga't wala akong naalala sa nakaraan ko. Ni hindi ko nga alam kung paano tayo nagkakilala. Kung paano tayo naging mag-asawa na sa katunayan nga ay  ang alam ng iba ay si Lexi ang papakasalan ko."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" nakatungo kong saad na halos bulong na lamang.

Agad naman nitong hinawakan ang baba ko at ipinantay niya sa kanyang mukha dahilan upang magtama ang mga mata namin.

Nailang ako kaya naman ibinaba ko ang tingin ko. Ramdam kong nakatitig ito sa akin at unting unti inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Ito na ba ang magiging unang halik ko?

Ang baduy pero talo pa ako ng mga HS students na may mga first kiss na.

Anong magagawa ko eh puro trabaho lang naman ang ginagawa ko dati?

"What a nice view," agad kaming napatingin ni Jhake sa pinanggalingan ng boses dahilan upang mapabitaw ang hawak niya sa aking baba.

"Ba't kayo tumigil? Sayang. Feeling ko pa naman I'm watching a movie clip," nakangiting sipi nito pero bakit ganun kahit ganun ang mukha niya ay parang may bahid pa rin ng sarcasm ang boses nito.

"Huwag na kayong mahiya. Isipin niyo na lang wala ako. Ipagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo. Wait tatakpan ko lang ang mata ko ah," saad muli nito habang nilagay pa ang palad niya sa mata niya.

"Done?" tanong nito habang ganun pa rin ang posisyon.

"Lexi ano na naman ba 'to?" tanong ni Jhake dahilan upang tanggalin nito ang mga kamay sa mata niya.

"I'm so sorry for ruining your moment. Gusto ko lang sanang humingi ng  rin ng tawad sa lahat ng panggugulo ko sa inyo."

Ano raw?

Hindi ba ako nabingi?

"Alam kong naging maldita ako sa'yo Bea kaya naman sana mapatawad mo ako. Friends?" tanong nito habang nilahad pa ang kamay,

"Friends," sipi ko at kinamayan siya.

"Isa na lang sana ang hiling ko. Please give me some moments para maikwento kay Jhake lahat ng pinagdaanan namin. I know it's a rude na hingin 'to kaya lang until now hindi ko pa rin natanggap maybe because hindi ko matanggap  na kinalimutan ako ng lalakeng mahal ko. Siguro sa pagkwento ko sa kanya. Makalet go na ako. Hope pagbigyan niyo ako pero kung ayaw niyo ok lang sa akin. Naiintindihan ko."

Napatingin ako kay Jhake at nakatingin lang siya kay Lexi. Hindi ko mabasa ang reaksiyon niya.

Ano bang dapat kong gawin?

Pagbibigyan ko ba siya?

Pagpinagbigyan ko kasi siya baka 'yun pa ang dahilan ng pagbalik ng memorya ni Jhake.

Para pag hindi naman nakokonsensya ako dahil dapat siya naman kasi talaga na ang asawa at hindi ako.

Ito na nga lang ang hinihiling sa akin hindi ko pa ibibgay.

"Sige."

"Thank you Bea," saad nito at niyakap ako.

Nang makakalas na ito sa yakap ay agad hinawakan si Jhake sa kamay at hinila na papasok. Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na rin sa kanila.

Nakita ko si Lexi na ikwenekwento na kay Jhake ang mga mahahalagang moments nilang dalawa. May ipinapakita pa nga itong mga pictures sa album eh.

Hindi nagsasalita si Jhake pero hindi makakaligtas sa aking paningin ang ngiti ni Jhake.

Hindi ito ganun kalaki pero batid kong natutuwa siya.

Ayoko na.

Hindi ko na kaya.

Minabuti ko nang umalis roon.

"Sinabi ko na kasing huwag mong masyadong ilapit ang sarili mo sa kanya dahil ikaw lang rin lang ang mahihirapan," napatingin ako sa nagsalita at si Daniel nga iyon.

"Gagawin ko ang lahat para hindi ako mapalapit sa kanya."

At sana nga magawa ko.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon