Chapter 38

349 19 4
                                    

Bea's POV
Simula nung dumating si Barbie dito sa mansyon ay medyo nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Jhake.

Hindi na niya pinaparamdam sa akin 'yung ginawa kong kasalanan sa kanya.

Masaya naman ako dahil sa tingin ko naman ay napatawad na niya ako at kung sakali man na hindi pa tuluyang napapatawad ay nalelessen na niya ang galit sa akin.

Sa totoo lang sa pagstay ko dito ay wala naman akong ibang ginagawa bukod sa mga inuutos sa akin ni Daniel at minsan naman ay si Jhake rin pero bihira lang naman 'yun kaya naman pag wala akong ginagawa na nandito ako sa mansyon ay tumutulong ako sa gawaing bahay bukod na lang sa paglinis sa pool area dahil natrauma na talaga ako doon.

Naglilinis ako ngayon dito sa may sala at pinupunasan ko ngayon ang mga palamuti dito. Hawak hawak ko ngayon ay isang vase.

Siguro mga 12 inch ang taas nito. Napakaganda niyang vase at halatang mamahalin. Pinupunasan ko ang vase nang biglang dumulas ito sa kamay ko at nabasag.

Nanginginig ang kamay ko na pultin ang mga nabasag na piraso.

"Anong nangyari? Bakit basag na 'yan?" tanong ni ma'am Corazon ng dumating ito kaya naman napatayo ako.

"Dumulas po kasi sa ksamay ko."

"Tatanga-tanga ka talaga. Alam mo naman na ang mahal mahal niyan, hindi mo iningatan," aniya kaya naman napayuko na lamang ako habang ang kamay ko ay nasa likod ko.

"Kaya mo bang bayaran 'yan? Kahit ata magtrabaho ka ng magtrabaho hindi mo kayang bayaran ang nasira mo. Sinira mo na ang pamilya ko, pati ba naman mga gamit namin."

"Ma, ano ba! Tumigil ka na nga?"

"Ayan. Ipagtanggol mo 'yan na katulong mo Daniel."

"Hindi ko siya katulong."

"Fine. Pero pagsabihan mo 'yan. Pinapatira na nga lang dito may gana pang manira," anito at umalis na.

"Di ba sabi ko naman kasi sa'yo na hindi mo trabaho 'yan? Ba't ba kasi ang kulit kulit mo? Tingnan mo tuloy ang nangyari," mas lalo akong napayuko sa tinuran ni Daniel.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya," mahina kong sambit. Alam ko konti na lang at tutulo na ang mga luha ko.

"Ano 'yan na tumutulo sa likod mo?"

"Wala 'to," sipi ko pero pinilit niya kunin ang kamay ko at nagtagumpay naman siya.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi?" tanong nito pero ngayon ay mahinahon na at kinuha ang panyo niya at itinatali niya rito.

"Malayo naman 'to sa bituka."

"Nagrason pa. Halika na nga."

"Pero itong basag na vase."

"Hayaan mo na sa ibang katulong 'yan," anito at nagsimula na kaming maglakad.

Daniel's POV
Nandito ako ngayon sa garden kausap si mama.

"Daniel nakikiusap ako sa'yo. Paalisin mo na ang magkapatid na 'yun dahil perwisyo lang sila sa atin."

"Ma, hindi ka ba makapaghintay? Malapit nang matapos ang isang buwan at sana naman maging maayos na ang pagtrato mo sa kanilang magkapatid lalo na kay Bea."

"Nagpapatawa ka ba Daniel?"

"I am not. Sinasabi ko sa'yo, ma. Hurt her again kahit sa mga salita mo lang ay ako ang makakalaban mo."

"You're really crazy for this girl. Wala naman siyang mabuting maidudulot sa'yo tulad ng ginawa niya sa kapatid mo." Naiiling na saad niya.

"Why are you judging her?"

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon