Lexi's POV
Sa totoo lang ay naiinis ako kung bakit nakita ko pa ang pagmumukha nung babaeng 'yun sa mismong bahay pa nila Jhake."Ano na naman bang nangyari sa'yo at badtrip na badtrip ka?" tanong sa akin ni Joyce.
"Mas lalo pa kasing napalapit 'yung Bea na 'yun kay Jhake eh."
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito at dun na nga bumalik sa isipan ko 'yung nangyari kagabi.
"Bakit biglang naging katulong 'yung Bea na 'yun dito sa mansyon niyo?"
"Actually hindi ko rin alam isa pa 'personal maid' daw siya ni Daniel."
"Eh bakit inuutusan mo siya?"
"Gusto ko eh. Isa pa hindi naman siya nagreklamo."
"Ma'am ito na po 'yung juice at sandwich niyo," sipi ni Bea kaya agad ko naman 'yung kinuha at ininom 'yung juice.
"Ano ba naman 'to? Bakit ang tamis? Pagtimpla na lang hindi pa marunong," I said then tumayo na nga ako't ibinuhos sa ulo niya 'yung juice.
"That's what you get."
"Lexi ano ba?"
"What? Ipapatanggol mo na naman siya tulad dati. Baka nakakalimutan mo Jhake kung anong ginawa ng babaeng 'yan," sabi ko kaya naman natahimik ito.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Daniel at nang mabaling ang atensyon niya kay Bea ay agad niya itong pinuntahan.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Daniel kay Bea pero hindi ito umimik kaya ibinaling nito ang atensyon sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yun?"
"She deserves it," sabi ko dahilan upang lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng marahas sa kamay.
"Wala kang karapatan na gawin 'yun sa kanya."
"Ano ba Daniel? Nasasaktan ako."
"Daniel bitawan mo nga si Lexi."
"Eh di bitawan," sipi ko at binitawan nga ako.
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo pag may ginawa kang masama kay Bea."
"Bea sumunod ka sa akin," sipi ni Daniel at umalis na nga silang dalawa.
"Bwisit talagang babaeng 'yun!"
"Dapat kasi di mo na ginawa 'yun."
"Oo. Ako na ang mali. Lagi naman di ba?" I said then umalis na rin ako.
"Oh gosh. So it means nasa iisang bahay na naman sila. Dapat mas bantayan mo pala si Jhake."
"Tama ka at hindi ako makakapayag na maagaw na naman niya sa akin si Jhake."
Bea's POV
Sabado kasi ngayon kaya naman wala akong trabaho sa coffee shop.Naglilinis ako dito sa sala ng maalala ko 'yung pinag-usapan naming dalawa ni Daniel kagabi.
"Di ba personal maid kita?" tanong nito kaya naman tumango na lamang ako.
"Bakit mo sila sinusunod?"
"Amo ko rin sila?"
"Wala kang ibang amo kundi ako. Naiintindihan mo?" tanong nito kaya naman tumango na lamang ako.
"Good."
Pagkatapos kong maisip 'yun ay naglinis na ulit ako.
"Ah Bea pinapatawag ka ni sir Jhake sa kwarto niya daw."
"Bakit?"
"Hindi ko rin alam eh."
"Ah sige. Salamat," sipi ko at nagsimula na ngang maglakad.
Ano na naman kaya ang kailangan ng lalakeng 'yun?
Nang makarating ako sa kwarto niya ay agad akong kumatok sa pintuan at dahan dahang pinihit ang iyon.
"Pinapatawag mo daw po ako."
"Ah oo. Gusto ko sanang humingi ng tawad dun sa ginawa ni Lexi sa'yo kagabi."
"Ah ok na po 'yun. No big deal."
"Ginawa ko lang 'to dahil alam kong mali talaga 'yung ginawa niya sa'yo pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sa akin."
"Naiintindihan ko po."
"You may leave," aniya kaya naman tatalikod na sana ako pero nadulas ako at nauntog ko ang ulo ko.
"Ok ka lang?" tanong nito ng makalapit sa akin at hinawakan ang balikat ko kaya naman unti unti na akong tumayo habang hawak hawak ko pa rin yung nauntog kong ulo.
"Ok lang ako. Huwag kang mag-alala hindi naman masakit, kaya ko na 'to. Ako po," sabi ko na tinuro ko pa yung sarili ko at tumalikod na nga't nagsimula ng maglakad.
Sa pagtalikod ko ay dun na nabakas sa mukha ko ang sakit.
Grabe! Ang sakit talaga.
Aishhh!
Nang makaalis na ko sa kwarto ni Jhake ay dumiretso muna ko sa kwarto ko at dun nagpahinga.
Masakit talaga 'yung pagkakauntog ko.
***
Makalipas ang isang oras ay napagdesisyunan kong linisin ang pool.
Sa totoo lang ay sinabihan naman na ako ni Daniel na hindi ko trabaho ang paglilinis dito sa bahay nila pero sa tingin ko ay hindi sapat na gawin ko lang ang pinag-uutos ni Daniel bilang kabayaran dun sa pera na nagastos niya.
Hawak hawak ko ngayon 'tong mahabang stick na may net sa dulo upang pangtanggal ng kahit anumang dumi sa pool.Nagumpisa ko ng tanggalin ang mga dumi at karamihan naman ay dahon.
May dahon ni hindi ko masyadong abot at sa tantsa ko ay unting usog ko na lang paambante ay maabot ko ito kaya naman ginawa ko nga ang pausog pero ang hindi ko inaasahan ay nadulas ako dahilan upang bumagsak ako sa pool.
Hindi ako marunong maglangoy kaya naman kinampay kampay ko ang kamay ko para makataas pero walang epekto hangga't sa unti unti na nga akong lumubog.
Naramdaman ko na lamang na may humigit sa aking braso ngunit wala na akong lakas para intindihin pa 'yun..
(a/n: Salamat po sa pagbabasa at hanggang dito sa chapter na ito ay nakaabot kayo. Sorry kung may mga typos. Gusto ko po sanang ipromote ang letting go. Jhabea story rin po siya. Sana suportahan niyo rin tulad ng pagsuporta niya dito sa POR. Thank you po. Please click the external link na lang kung interested kayo. :))
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...