Lexi’s POV
Nakuha ko na ang paraan kung paano ako mapapalapit muli kay Jhake na hindi nagmumukhang masama.Tama si Daniel eh.
Paano ko makukuha si Jhake kung ako ‘yung kontrabida sa lovestory nila ng Bea na ‘yun?
Kasalukuyan palang nandito na naman ako sa mansyon ng mga Bustamante.
“Oh Lexi napadaan ka?” tanong sa akin ni Bea.
“Gusto sana kitang makausap Bea.”
“Sige. Upo ka,” saad ni Bea kaya naman umupo na nga ako sa sofa habang siya naman ay tumabi na sa akin.
“Bea, gusto ko sanang humingi muli ng tawad sa mga nagawa at nasabi kong masasakit sa’yo.”
“Ano ka ba? Wala na ‘yun. Isa pa naiintindihan kita.”
“Salamat. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na magagawa pa akong pakasalan ni Jhake na sa gayun ay kasal na siya sa’yo.”
“Hindi ko rin alam ang totoong dahilan Lexi,” saad nito ng hindi nakatingin sa akin.
Napangisi na lamang ako sa aking isipan.
Ramdam ko na nagsisinungaling lamang ang babaeng ‘to.
“Bea,” saad ko sabay hinawakan ang kamay nito kaya naman napatingin ito sa akin.
“Huwag ka sanang magagalit if ever na dadalawin ko si Jhake o hihiramin ko siya sa’yo.”
“Ano?”
“Hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari. Gusto ko lang talagang maalala niya ako ‘yun lang. Hindi ko iniisip na pagnaalala niya ako ay baka bumalik siya sa akin. Ang ala-ala niya lamang sa akin ang gusto kong bumalik sa kanya dahil totoong minamahal ko siya at talagang nasasaktan akong hindi niya ako naalala. Maniwala ka sa akin. Hindi ko intensyon na bumalik siya sa akin dahil isa pa sa oras na maalala niya man ako ay sigurado akong hindi ka niya iiwan sapagka’t ikaw na ang mahal niya at hindi ako Bea. I know I am asking for too much pero sana mapagbigyan mo ako. You see hindi sapat ‘yung pinahiram mong sandali sa amin ni Jhake nung isang araw.”
Alam kong naguguluhan siya sa kung ano ang sasabihin niya.
Natatakot siya na baka bigla nga akong maalala ni Jhake at sa oras na mangyari iyon ay baka iwanan siya nito or worse paalisin siya sa pamamahay ni Jhake pero wala siyang magagawa dahil sa oras na humindi siya ay malaki ang posebilidad na magduda na naman ako sa pagkatao niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.
“Katulad ng sinabi ko Bea nung isang araw. Hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo ok lang. Naiintindihan kita pero kung mapapagbigyan mo ako ay ok lang sa akin kahit isang linggo lang,” saad ko at nakitang nagbuntong hininga ito.
“Sige,” saad nito tapos ay ngumiti ng pilit.
“Salamat Bea,” saad ko tapos ay niyakap siya.
An evil grin has drawn to my face.
“Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa’yo,” saad ko ng makabitiw na nga sa yakap ko sa kanya.
Pinapangako ko ay sa loob ng isang linggo ay mababaliktad ko ang lahat.
Bea’s POV
Kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon at kasama si Barbie.“Narinig ko ‘yung pinagusapan niyo ng malditang babae na ‘yun,” saad ni Barbie pero hindi ako umimik.
“Bakit ka pumayag?”
“Dahil karapatan niya na maalala siya ni Jhake.”
“Pero may karapatan ka ring humindi tulad ng sinabi ni Lexi.”
“May karapatan nga ba ako Barbie?”
“Ate.”
“Hindi ako tunay na asawa kaya anong karapatan ko.”
“Yun na nga ate eh. Paano pagnaalala siya ni Jhake? Or worse, paano pagnakaalala na talaga si Jhake?”
“Hindi ko alam. Hindi ko alam. Sa araw na mangyari ‘yun ipanalangin na lang natin na hindi niya tayo ipapakulong.”
“Sana nga ate. Sana nga.”
Lexi’s POV
Nandito na ako ngayon sa opisina ni Jhake.“Si Jhake?” tanong ko sa kanyang sekretarya.
“Nasa loob po.”
“Thanks,” saad ko at pumasok na nga.
“Good afternoon Jhake.”
“Oh Lexi. Napadaan ka?”
“Dinalhan kita ng snacks.”
“Salamat.”
“Ah Jhake.”
“Hmm?”
“Gusto ko lang sanang sabihin na pumayag si Bea na ipaalala ko sa’yo kung sino ako sa buhay mo sa loob ng isang linggo.”
“Ginawa niya ‘yun?” tanong nito kaya naman tumango na ako rito.
“Ano ‘yun ‘yung isang araw.”
“Akala ko kasi makakatulong sa development mo kaya naman naisipan kong ipagpatuloy na lang ngayon.”
“Paano kung hindi pa rin ako makaalala sa loob ng isang linggo?”
“Wala na akong magagawa dahil sumusunod ako sa napag-usapan.”
“Salamat sa concern Lexi.”
“Wala ‘yun. Sige na kumain ka na.”
“Sabayan mo ko rito.”
“Sige,” saad ko at kumuha na rin nga ako ng asado siopao na dinala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2560346-288-k898260.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...