Chapter 11

509 17 2
                                    

Daniel's POV

Nakita kong napatigil siya at kinabahan.

Tsss.

"Hey,"sabi ka at nag-snap pa ko ng daliri sa harapan niya.

"I'm sorry. H-hindi ko naman sinasadyang magpanggap eh," nakayuko na niyang saad.

Talaga?

"Bakit ka nagpapanggap? Tingin ko naman ay mabuti ka namang tao," I said with my arms crossed.

"Minsan kasi kapag nagigipit ka na, lahat ng paraan ay gagawin mo para lang magkapera. Kung ako lang naman sana ay kaya kong mabuhay sa hirap kaya lang ang iniisip ko ay ang kinabukasan ng kapatid ko. Wala na nga akong natapos at wala na ngang patutunguhan ang buhay ko, ayaw ko namang mangyari 'yun sa kapatid ko," sabi n'ya na nakatingin na sa akin ngunit hindi pa rin ako umiimik.

Yumuko siya at nagsabing, "maiintindihan ko kung isusumbong mo ako sa mama niyo tutal ay kasalanan ko naman talaga eh. Inaamin kong mali ang ginawa ko at kung ano man ang kaparusahang naghihintay sa akin ay bukal sa puso kong tatanggapin."

"Sinong may sabing isusumbong kita?" tanong ko at napaangat ang kanyang ulo na may nagtatakhang mukha.

"Bakit? Gusto mo bang ibunyag ko ang lihim mo?" I asked then smirked.

"Hindi naman sa ganun pero nagtataka lang ako kung bakit tinutulungan mo ko."

"Huwag kang mag-isip ng kahit ano. Medyo naawa lang ako sa iyo kaya handa akong itago ang sikreto mo."

"S-salamat."

"No need to thank me. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli sa pagpapanggap mo at kung mahuli ka man ay huwag mo na akong ipahamak."

"Makakaasa ka," aniya kaya tinanguan ko na lang siya at iniwan siya roon.

Bea's POV
Kinakabahan akong nakaupo sa aming kama. Kinakabahan ako dahil kahit ano mang araw ngayon ay maaring bumalik ang ala-ala ni Jhake at pagnangyari 'yun ay malalaman niyang hindi niya talaga ako totoong asawa. 

Nagawa naming itago ito nila Barbie at Daniel ng ilang buwan. Kahit nagduda pa rin si Lexi ay wala na rin siyang nagawa noon dahil sabi nga ni Daniel ay itatago niya ang sikreto ko at tinulungan niya rin ako upang pagtakpan ito.

Ramdam kong bumukas ang pinto at umupo siya sa aking tabi.

"Ano ang iniisip mo? Mukhang malalim ata ang iniisip ng aking esposa."

"Ah wala naman. Iniisip ko lang na buti at buhay ko pa dahil ang akala naming lahat ay namatay ka sa aksidente," saad ko at ngumiti ng pilit.

"Oo nga eh. Buti at buhay pa ko hanggang  ngayon. Siguro ay masama akong damo kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon," biro niya at tumawa pa siya ng mahina.

"Hindi ah. Napakabait mo kaya."

"Talaga?" Aniya at tiningnan ako.

"Oo naman."

"Pwede mo ba kong kwentuhan kung paano tayo nagkakilala hanggang sa naging asawa kita?"

"Ah ano kasi...isa lamang akong waitress noon at natapunan ko ng pagkain si Lexi."

"Sinong Lexi?"

"Ah 'yung girlfriend mo ng panahong iyon," saad ko at tumango naman siya.

"Ok. Then?  Ano ng nangyari?"

"Tapos nawalan ako ng trabaho. Isang araw ay muntik mo na ako nung masagasaan kaya naman tinulungan mo ko. Ipinasok mo ko na saleslady sa jewelry shop niyo na nasa mall na pagma-may-ari n'yo rin dahil gusto mong makabawi sa ginawa ni Lexi. Naging mas close tayo nun. Mas nakilala natin ang isa't-isa."

"Dahil dun minahal natin ang isa't-isa?"

"O-oo."

"Paano tayo kinasal?"

"Ano kasi eh. Si L-lexi, ikakasal na sana kayo nun kaya lang una mo kong pinakasalan sa kanya . Nagpakasal tayo nun sa west," pagsisinungaling ko.

I'm sorry, Jhake.

"Bakit naman hindi ko pina-cancel  ang kasal namin nung Lexi?"

"Hindi ko alam. Siguro dahil sa ayaw mong masaktan si Lexi."

"Manloloko na pala ako?" Tanong niya dahilan upang matigilan ako.

Hindi ikaw ang manloloko. Ako. Ako ang tunay na manloloko sa ating dalawa.

"Ah h-hindi naman sa ganun. Ayaw mo lang naman siyang masaktan eh," hindi ko na kayang tumingin sa kanya ng sinasambit ko na ang katagang iyon.

"Kahit na. Though maganda ang  hangarin ko, still mali pa rin ang ginawa ko. Di ba nga the end doesn't justifies the means, Bea?"

"Ah o-oo naman."

"Bakit ka pumayag na maging secret wife at ipagpatuloy namin ni Lexi ang kasal namin?"

"U-uhmm... ang s-sabi mo kasi sa akin ay ika-cancel mo ang kasal niyo ni Lexi 'tsaka isa pa ay h-hindi ko naman kailangan ng pera eh. Tutal wala namang nakakaalam na nagpakasal ka sa akin ay baka hindi rin ako paniwalaan."

"Paano ka napunta rito?"

"Nakita ako ng mama mo at tinanong niya ako kung asawa nga ba kita dahil nakita niya pala ang wedding pictures natin at ang singsing na binigay mo sa akin."

"At sinabi mong oo?"  tanong nito sa akin at tumango naman ako.

"Saan na ang singsing na binigay ko sa'yo?" tanong nito at pinakita ko naman ang singsing sa aking daliri.

Kumunot ang noo niya. "Hindi naman ito wedding ring ah?"

"Ang sabi mo kasi noon ay hindi ka pa nakabibili ng wedding ring kaya ito na lang ang binigay mo sa akin. Biglaan kasi ang kasal natin eh."

Tumango siya. "Ah ganun pala. Sige. Inaantok na ko, Bea. Matutulog na ako," sabi nito at humiga na sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Paano na ito? Napakarami ko ng kasinungalingang nagawa at nasabi.

Patawarin Niyo po ako sa aking pinaggagawa.

Ngayon pa lang matanong na siya. Paano pa sa mga susunod na araw? 

(a/n: guys thanks for reading my story.  Votes and comments are highly appreciated. Also, I would like to promote my yongseo stury entitled 'my song'. Just click the external link for the story in case you are interested.)

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon