Chapter 44

266 13 10
                                    

Jhake's POV
Nandito ako ngayon sa opisina at kasalukuyang nagtratrabaho ng biglang may narinig akong ingay at sa tingin ko ay siya na 'yun.

"I'm sorry ma'am pero hindi po talaga kayo pwedeng pumasok eh," wika ng sekretarya ko.

"Fiancée niya ko kaya pwede akong pumasok sa opisina niya kailan ko man gustuhin," aniya at dun ko nga narinig na bumukas na ang pinto at pumasok siya.

"Sir sorry po. Nagpumilit po kasi siya eh," paghingi nito ng paumanhin kaya naman tumango na lamang ako rito dahilan upang lumabas na ito.

"Sa susunod pagsabihan mo ang sekretarya mo."

"Pinagsabihan ko na siya at ang sabi ko huwag kang papasukin. Nakinig lang siya sa utos."

"Jhake you're unbelievable. How could you do this to me? You treat me as one of your precious gem before before pero ano na ang nangyari? Because of her everything's change. This is all because of her. Kung hindi niya lang ako nun tinapunan ng mga pagkain na dala dala niya, hindi sana mangyayari 'to. You know what I even think na sinadya niya 'yun dahil kasama 'yun sa plano niya."

"Stop it Lexi. Wala siyang plano. Yeah she once had at 'yun ay ang magpanggap bilang asawa ko but it was a mistake. Napagkamalan lang siya at dahil na rin sa takot at pangangailangan pinanindigan niya. Ikaw? Hindi ba plano mo lahat ng 'to? Plano mo ang kasal, ni hindi mo nga ako kinunsulta if gusto ko ng kasal na 'to."

"Jhake please I know galit ka sa akin pero after the wedding alam ko babalik na lahat sa dati. Mangyayari na 'yung pinangarap natin dati na pamilya. You said you wanted five kids but I just wanted one pero ngayon kahit gawin pa natin anim o kaya pito basta sa akin ka lang magpakasal ayos lang sa akin. Jhake please," aniya na may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.

Nahihirapan akong makita siyang ganyan pero ayoko siyang paniwalain sa isang matamis na kasinungalingan well in fact this is far from being sweet.

"You can plan how many weddings you like Lexi but you cannot alter the reality that you can't have a wedding without a groom so if you don't mind please leave my office dahil marami pa akong kailangang tapusin na trabaho," malamig kong saad rito ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ok. If you say so but it doesn't mean that I am leaving, I will give up so easily 'cause I'm never gonna waste everything I had done for you," ika nito at umalis na nga.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos ay napasandal ang ulo sa head rest ng swivel chair ko.

I never wanted to hurt her if she just know how to give up but she leads me with no choice.

Bea's POV
Nasa loob ako ngayon ng kotse ni Daniel. Ayaw ko nga sanang sumabay pa sa kanya pauwi eh pero nagpumilit kasi siyang ihatid ako at isa pa gusto ko na rin naman kasing magpahinga kaya naman pumayag na rin ako.

Pagdating sa malapit sa bahay ay bumaba na ako. Sinamahan din ako ni Daniel maglakad patungo roon.

"Salamat Daniel ah. Gusto mong maghapunan muna kasama namin ni Barbie?" yaya ko rito.

"Sige ba," sagot nito at bumaba na rin sa kotse niya.

Pagharap ko sa bahay ay dun ko nakita si Jhake na nakatayo sa harap ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito? Kung nandito ka para saktan lang naman si Bea, hindi ka na kailangan dito."

"Gusto ko lang naman siyang makausap."

"Hindi kayo pwedeng mag-usap."

"Sino ka para pagbawalan ako?"

"Pwede ba. Kung mag-aaway lang naman kayo, makakaalis na kayo."

"Bea gusto ko lang mag-usap tayo eh," aniya kaya naman tumingin sa akin si Daniel kaya naman ngumiti ako sa kanya kaya naman pumasok na siya at kami na lang naiwan na dalawa ni Jhake.

"Bea, alam kong nasaktan kita pero gusto ko sanang sabihin na sana tulungan mo kong ipaglaban 'tong pagmamahalan natin. Alam ko sumuko ka na pero Bea please gusto kong lumaban. I badly want to fight for this relationship. Ayokong makasama habang buhay ang babaeng hindi ko naman mahal. Pero kung ayaw mo talaga I can't force you pero sana talaga we can fight for this together. Naniniwala ako we can get through this if we keep holding our hands and no matter what happens we will not let go."

"Sana nga ganun lang kadali 'yun Jhake. Sa mga pelikula lagi silang nag-eend up together kahit ano pang pagsubok pero hindi 'to pelikula o teleserye. Ayokong bumangga sa napakalaking pader dahil alam ko ako lang naman ang masasaktan."

"Bakit kailangan mong banggain kung pwede ka namang umakyat pataas?"

"Dahil hindi ko kaya Jhake. Sabihan mo na ko ng mahina pero hindi ko kayang isugal ang buhay namin ng kapatid ko para lang sa pag-iibig na walang kasiguraduhan."

"Why don't you give it a try? Bakit hindi ka sumugal para sa ating dalawa? Dahil ako kahit ano kaya kong isugal makasama lang kita."

"I'm sorry pero ginawa ko ng isugal ang buhay naming dalawa ni Barbie dati ng magpakilala akong asawa mo pero anong nangyari. Mas lalo nasira ang buhay namin."

"Pinagsisihan mo na nakasama at minahal mo ko?" tanong nito per nag-iwas lang ako ng tingin.

"Please Jhake."

"Sagutin mo ko Bea."

"Oo Jhake. Sana kung hindi ako nagpanggap, hindi sana kita makakasama at mas lalong hindi kita mamahalin. Sana hindi ako nasasaktan ngayon."

"I know you didn't mean it." Aniya habang umiiling.

"Kahit totoo man 'yun o hindi, walang magbabago. Ikakasal ka pa rin sa kanya."

"Madami akong pwedeng gawin para hindi matuloy ang kasal."

"Si Lexi dapat ang pagtuunan mo ng pansin hindi ako. Siya ang magiging asawa mo."

"Ikaw ang asawa ko kahit pagpapanggap ang lahat."

"Pero siya ang totoo, hindi ako. Siya naman talaga dapat," sipi ko at nagbuntong hininga pagkatapos ay pumasok na nga ako sa loob.

Maya maya pa ay narinig ko na rin ang yapak niya na paalis.

"Bea sinaktan ka na naman ba ni Jhake?" tanong ni Daniel pero umiling lang ako.

"Eh ba't ka umiiyak?"

"Ako ang nanakit sa kanya pero bakit pati ako nasasaktan?"

"Dahil mahal mo siya."

"Alam ko pero malas si Jhake dahil mahal siya ng taong hindi man lang siya kayang ipaglaban."

"Bea you have reasons kung bakit. Ako Bea? You can count on me no matter what. Kaya kong palitan si Jhake sa buhay mo if you let me to."

"Daniel alam mong hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo."

"I know pero ayoko namang makita ka ng ganito na lang palagi. Even it means kailangan akong maging rebound tatanggapin ko."

"Hindi. Ayokong gamitin ka. Ginamit ko na 'yung kapatid mo dati para umangat kami sa buhay pero hindi maganda ang kinalabasan at ayokong gawin ang parehong pagkakamali sa'yo."

"Pero Bea. . ."

"Please Daniel kaibigan ang kailangan ko," sipi ko at tumango tango na lamang siya.

"I understand. Just remember. If you need me, nandito lang ako," aniya at tumango na lamang ako.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon